Chapter 117

1210 Words

Nagising si A sa tila tubig na ibinuhos sa mukha niya. Pupungas-pungas siyang dumilat. Natawa siya nang pagak nang makita ang tatlong tauhan ni Don Manuel. Nakagapos pala ang mga kamay at paa niya habang nakahiga sa sahig at basang-basa ang katawan. "Gago! May nakakatawa ba sa sitwasyon mo ngayon?" tumatawa ring saad ng isang lalaki. Bagaman hindi maitago sa mukha nito ang pagkapikon. "Hindi mo ba alam na mayamaya lang ay iuutos na ni Don Manuel na patayin ka? Na naghihimtay lang kami ng signal niya?" "Hayaan mo siyang tumawa dahil hindi magtatagal ay makakaharap na niya si Satanas," sabi naman ng isa pang lalaki. Nagtawanan ang tatlong tauhan ni Don Manuel at nag-apiran pa. Tuwang-tuwa ang mga ito na akala ay nakalamang na kay A. Walang kaide-ideya sa panganib na dala niya sa mga ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD