Sa paglabas ni A ay sinalubong kaagad siya nang malalakas na bala. Ngunit nailagan niya ang mga iyon. Wala siyang pakialam kung armalite man ang rumaratrat sa kaniya. Mahinang klase pa nga iyon kumpara sa mga hinaharap niya noon sa bakbakan, lalo na sa Mexico. Lumabas siya sa pinagtataguan at nakipagpalitan ng putok habang tumatambling-tambling. Tinarget ni A ang may hawak ng armalite. Sapul iyon sa dibdib kaya bumagsak agad. Pagkabagsak ng kalaban ay maliksi ang mga kilos na kinuha niya ang armalite nito. Hinarap niya ang natitirang mga kalaban. "Ako naman ngayon ang babanat, mga gunggong! Ito ang sa inyoooo!" Pagkasigaw ay kaagad niyang pinaulanan ng sunod-sunod na bala ang mga kalaban. Siguradong natakot ang mga ito kaya kaniya-kaniya ng tago."Sige! Magtago lang kayo, mga duwag!" "

