Hinintay pa nina A at Tatang Jose ang kumpirmasyon mula sa ninong ni Grey na pumunta nga ito ng Cagayan Valley o sa ibang katabing rehiyon kaya hindi muna sila bumiyahe ng gabing iyon. Kinontak lang muna ni Tatang Jose ang grupo ni Grey para maghanda. Samantalang kinontak naman ni A si Joanna para humingi ng tulong. At hindi naman siya nabigo. Nang dahil sa tulong ng babae kaya nalaman ni A ang kahinaan ng kuta ni Don Manuel na puwede nilang gamitin sa paglusob. Napag-aralan din ni Joanna ang weakness ng nasabing don. Kinumbinse siya ni Joanna na sabihin kina Bernard ang plano niya, at para matulungan na rin siya. Pero tumanggi si A. Kung mapapahamak man siya, siya na lang at hindi niya idadamay ang mga kaibigan. "Natatakot ako, Ling..." Napahinto sa pagpu-push up si A para sa pagpapa

