Halos kakababa lang ni Aarah sa sala mula sa pagpapalit ng underwear nang makasalubong niya si A na mukhang kagagaling lang sa labas. Senyales ang pagpupunas nito sa mukha na para bang natalsikan ng tubig. Namula ang dalaga nang kindatan siya ng nobyo na tila pinapaalala ang kapusukan nila kanina. Tinupad naman nito ang pangakong "five miutes lang". "Anong ginawa mo sa labas?" may bahid nang pag-aalala na usisa ni Aarah kay A. "Tinulungan ko si Nanang Imelda na alisin ang naputol na sanga ng mangga na bumagsak sa bahay ng mga aso." Nilapitan ito ng dalaga at pinunasan ang mukha ng tuwalya. Mabuti na lang at medyo magaling na ang sugat nito sa ulo. "Nagsuot ka ba ng kapote?" "Oo. Pinahiram ako ni Nanang Imelda." Sinuklay ng daliri nito ang buhok na nabasa nang kaunti. "Ang tindi ng la

