"Ling, si Grey nga pala ang tumulong sa'tin. At nandito tayo ngayon sa mansiyon niya." "I know," kaswal na sagot ni A kay Aarah. Kakatapos lang nilang kumain ng hapunan na inihatid mismo ng caretaker ni Grey sa kuwarto na pansamantalang tinutuluyan niya. "Ha?Alam mo na?" parang hindi makapaniwala na tanong ni Aarah. "Paano mo nalaman?" "Gising naman ako nang gamutin ako ng family doctor niya. At nandito rin siya. Baka gusto niyang makasiguro na hindi na ako magigising." "A!" gulat na gulat na tili ni Aarah. Totoong kanina pa alam ni A na si Grey ang tumulong sa kanila para maalis sila sa pinangyarihan ng aksidente at dinala dito sa mansiyon. Alam niya na ginawa lang iyon ng lalaki para kay Aarah, dahil may gusto ito sa nobya niya. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailang

