Free style pa rin ang music nang makarating sina Aarah at A sa dancefloor kaya kahit anong galaw ay puwede. That music was lively and they danced to it. Hindi magaling sumayaw si Aarah pero marunong naman siya. Sanay siya sa sayawan kapag nag-iinuman silang magkakaibigan. At gan'on din ang nobyo. Napansin niya ito na hindi masiyadong magaling pero ang sarap nitong panoorin. Ngayon lang niya napagtantong masarap pala itong maging tropa. Game na game. "Nag-e-enjoy ka ba?" narinig niyang tanong ni A, habang sumasabay sila sa mabilis na tugtugin. Hindi niya ito gaanong narinrinig dahil sa lakas ng musika. "O-oo naman! Kita mo ngang pawis na pawis na ako!" medyo hinihingal naman na sigaw ni Aarah habang pumapadyak ang paa. Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig siya ni A. "Grabe! Nak