Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder ni A na wheat beers para sa kanila ni Aarah. Sinamahan niya iyon ng spicy foods and fruity desserts. Medyo may kamahalan din iyon pero okay lang dahil para naman sa kanila ng girlfriend niya. Kung sa Mexico lang siya, hindi niya mapapansin ang gan'ong presyo. At iyong mas mahal pa roon ang oorderin niya. Kaso, aminado si A na malaking hamon sa kaniya itong paglaya nila ngayon. Lahat ng naipundar nila sa Mexico na galing sa illegal ay pinamigay na nila sa charities. Wala silang itinira. Parte iyon ng kanilang pagbabago. Binigyan sila ni Bernard ng malaking halaga para panimula raw nila. Pero ang pangako nilang magkakaibigan, ibabalik nila iyon sa oras na makahanap sila ng trabaho. Inaamin ng binata na nahihirapan siyang mag-adjust sa bagong buhay