Hindi maganda ang panaginip ni A dahil dinalaw siya ni Baste ngunit bigla itong nawala. Pero gumanda ang mood niya nang magising siya sa banayad at mabangong hininga ni Aarah na tumatama sa kaniyang mukha. Nandito sila ngayon sa Baguio para sa kanilang one week vacation. Sa kabila ng lungkot na nadarama ni A dahil sa nangyari kay Baste ay pinipilit niyang maging okay para kay Aarah. Ayaw niyang maging unfair dito. Bumaba ang tingin ni A sa dalaga na noon ay mahimbing na natutulog sa kaniyang bisig. Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito. Gusto niyang hagurin ang itim na itim at malambot nitong buhok. Pero natatakot ang binata na baka magising ito. Nakuntento na lang si A na pagmasdan ang nobya. Natutukso siyang dampian ng hali

