Pagkaalis ni Grey, hindi nagtagal ay nagpaalam din sa kaniya si A na magpapahangin muna sa labas. Tumanggi ito nang alukin ni Aarah na sasamahan niya. Hindi na lang siya basta nahihiwagaan sa nobyo. Alam niyang may problema ito. Kaya nga hindi siya nakatiis at sinundan niya si A sa labas ng ospital. Mas nag-alala si Aarah sa kasintahan nang maabutan niya itong naghihithit ng sigarilyo sa sa parking lot, habang pabalik-balika na naglalakad. Na para bang may malaking problema kaya hindi mapakali. "O-okay ka lang ba, 'Ling?" tanong niya rito habang nilalapitan. "I'm okay. Bumalik ka na lang sa loob at baka hanapin ka ni Nenette," pagtataboy sa kaniya ni A na hindi man lang siya magawang tingnan. Patuloy lang itong naglalakad nang pabalik-balik sa kaniyang harapan. "Alam kong hindi ka okay