"Oh, we're here na pala!" Hindi nagtagal ay saad ni A nang makita niya ang Burnham Lagoon at wooded areas. Dinala pa niya ang dalaga palapit sa Burnham Park para makita nito nang buo ang isa sa ipinagmamalaking tourist spot ng Baguio City. "Well, I am kind of impressed. Sobrang laki at ganda nang ipinagbago ng lugar simula nang huli ko itong makita," komento ni A habang inililibot ang tingin sa buong paligid. "Mas maraming tao ngayon compare dati. At modern nang tingnan." Namamanghang inilibot ni Aarah ang tingin sa paligid. "Grabe naman pala kaganda itong Burnham Park na ito. Hind hamak na mas maganda sa personal kaysa sa mga palabas sa TB--" "TV," pagtatama ni A. Nasisiyahan siya sa pagkaaliw ng nobya. "Okay... Ng TV pala." Kumamot ito sa ulo. Mas natuwa ang binata dahil napansin

