Hindi na kailangan pang kumpirnahin ni A kay Grey na ito nga si Baste. Dahil habang dinadala nila ito sa ospital at nagdedeliryo ay puro pangalan niya ang tinatawag nito.Aminado lang si A na kinakabahan siya sa maaaring dahilan ni Grey kung bakit itinago nito sa kaniya ang totoo. Pero buong-puso niya iyong haharapin. Ngayon na maayos na ang lagay ni Grey, hindi niya hahayaan na patuloy nitong itago o iwasan ang katotohanan. At mukhang wala na nga ring balak si Grey na gawin iyon. Nakabalik na sila ng La Felicidad. Sa tulong ng national government na ipinadala ng ninong ni Grey ay nakalabas sila ng Nueva Vizcaya at nahuli si Don Manuel, pati na rin ang lahat ng mga tauhan nito. Sinubukan nitong tumakas at lumusot sa kabilang bayan. Pero dahil nakabantay ang mga kasamahan nina Tatang Jose s

