CHAPTER 7: "ANONG SORRY?" Hindi ako makapaniwala nang marinig mula kay Veron ang salitang 'yon. No'ng unang magkita kami, nagpasalamat siya sa akin kahit na nasagasaan ko siya. Tapos ngayon naman, nag-so-sorry siya kahit na ako ang dapat manghingi ng sorry sa mga nasabi ko no'ng nakaraan. He's so weird! "Sorry for distracting you? Maayos namang ang ginagawa mo kanina but when I looked at you, na-distract ka. . ." Bumuga ako ng malalim na hininga. Sobrang weird ng taong 'to, hindi ako makapaniwala na may ganitong klaseng tao pala? "Huwag kang mag-sorry. Okay lang kung hindi nila ako isali ro'n. Wala namang problema dahil ang dahilan naman talaga kung bakit pumayag ako sa offer ni Manager Kim ay dahil gusto kong manghingi ng sorry sa 'yo." Natahimik siya sa sinabi ko. Mukhang alam na