CHAPTER 4:
KAHIT PA SABIHING DESIDIDO NA AKONG MAKIPAG-HIWALAY KAY Nilo, hindi ko pa rin naiwasang mag-alala. Hinimatay lang naman siya pagkatapos sapakin nitong si Veron. Sino ba namang hindi mag-aalala?
"Paano kung patay na pala siya?" pagdududa ko.
Ang sabi kasi ni Veron, buhay pa naman daw. Hinawakan niya kanina ang pulso ni Nilo at nang ako na ang hahawak, hindi niya ako hinayaan. Hindi raw maganda na hahawakan ko ang isang lalaki dahil babae ako.
"Buhay pa 'yan, try to look closer on his chest, he's still breathing," paniniguro niya.
Ako naman 'tong si sunod-sunuran, tiningnan ko ring maigi. Humihinga pa nga talaga siya at mukhang humihilik pa. Napakamot ako sa ulo ko at saka dumukot sa aking bulsa para kunin ang cellphone ko.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng sasakyan ni Veron. Nakahandusay si Nilo sa sahig habang hinihintay naming magising pero nakailang yugyog na ako, hindi pa rin siya nagigising. Kaya nga naisip kong baka patay na!
"Tatawagan ko lang muna 'yong kaibigan niyang si Miko," paalam ko.
Tumalikod ako sa kaniya at hinanap sa phonebook ng cellphone ko ang number ni Miko. Mabilis ba pinindot ko ang number niya nang makita ko iyon.
Ilang ring lang, sumagot na ito. Mabuti na lang at mukhang hindi ko na-istorbo.
"Hello? Napatawag ka yata?" Hindi makapaniwalang sagot niya.
I looked back to where Nilo is. Nakatingin lang sa akin si Veron, waiting for my response. "Ano kasi, nagkaro'n ng problema. May nakaaway si Nilo rito sa pub. Hinimatay kasi siya, pwede bang pakisundo? May trabaho pa kasi ako. . ."
"Tsk! Ibig mong sabihin, pinuntahan oa na naman d'yan?"
"Oo e. . ."
Saglit na hindi siya sumagot. May narinig pa akong nagmura sa background pero mukhang siya lang din naman 'yon. Sino bang hindi mapapamura kung may ganitong klase kang kaibigan, pabigat! Noon pa man, pasaway na raw itong si Nilo pagdating sa mga kaibigan niya. Lagi siyang pinagtatakpan sa mga kalokohang ginagawa.
"Sige, pupunta ako," napipilitang sagot niya.
Nagpasalamat ako sa kaniya pagkatapos ay pinatay na ang tawag.
"Ano raw?"
"Kukunin niya si Nilo, papunta na."
Habang naghihintay roon, bumalik na muna ako sa loob ng pub para magpaalam kahit 15 minutes lang. Nakakahiya man lalo na't maraming costumer, hindi ko naman kayang iwan si Nilo. Kahit papaano, may pinagsamahan kami at naging masaya ako sa kaniya.
Matapos kong magpaalam kay Sir Miguel, lumabas na ako ulit at bumalik sa kung saan ko iniwan si Veron at Nilo. But to my surprise, I saw Nilo laying there without Veron! Umalis? Nasa'n na 'yon? E nandito pa naman ang kotse niya.
Naglakad pa ako papalapit at luminga sa paligid para hanapin siya.
"Psst!"
Ibinaling ko ang tingin sa bintana ng kotse ni Veron. Mabilis na nakita ko siya roon, habang nakasuot ng sunglasses.
"Bakit iniwan mo si Nilo rito?"
"Someone might recognize me," sambit niya.
Napailing na lang ako't hindi na sumagot pa. Hindi ko pa naitatanong sa kaniya kung bakit siya pumunta rito o coincidence lang na napadaan siya? Pero sana hindi siya pumunta rito nang dahil sa akin. Grabe na siya kalupit kung pati pinagtatrabahuan ko, nalaman niya na.
Ilang minuto lang, dumating na ang kotse ni Miko. Panay ang mura niya nang makita si Nilo na nakabulagta sa sahig.
"Sino ba'ng sumapak dito? Tangina namamaga ang kaliwang mata niya, yari siya nito kay manager," tanong niya.
"Ewan ko r'yan! Pumunta na naman sa pub para lang kulitin ako, binigyan din naman ni Taylor ng alak. Alam naman niya kung ano ang epekto ng alak kay Nilo," pagsisinungaling ko.
Hindi ko pwedeng sabihin na sinapak siya ng isang myembro ng boy group na nasagasaan ko dahil halos harass-in na ako ng kaibigan niya. Ayaw kong siraan si Nilo. Kahit na gano'n ang nangyari sa amin, hindi ko siya sisiraan.
"Baliw na baliw kasi 'to sa 'yo e," umiling-iling siya. "Wala na ba talaga?"
Pagod na ngumiti ako. "Wala na."
Matapos kong sagutin ang tanong niya, tinulungan ko na siyang ipasok si Nilo sa backseat ng kotse niya. At nang tuluyan na silang makaalis, nakahinga rin ako nang maluwag, sa wakas!
Pabalik na sana ako sa pub nang maalala ko iyong si Veron. Umatras ako't dumiretso sa bintana niya. Sinubukan kong sumilip sa loob pero wala akong makita, tinted ang sasakyan. Ganito yata talaga ang kotse ng mga celebrity.
Marahan akong kumatok sa bintana, iniingatang magasgasan. Mahirap na at bala pagbayarin na naman ako. Mas lalo lang mauubos ang ipon kong pera.
Ilang pagkatok pa ang ginawa ko, bumaba ang bintana. Namumula ang mga mata niya nang bumaba iyon, mukhang kagigising lang. Pero bakit gano'n? Ang gwapo pa rin! Ang unfair naman ng mundo.
"Papasok na ako sa pub, umuwi ka na. Salamat pala sa pagtatanggol sa akin, pero hindi naman 'yon nakatulong. Sinipa ko na lang sana siya sa bayag, ang kaso nagkaganito pa."
Pupungas-pungas ang mga matang malamyang ngumiti siya.
"Sorry."
Teka. . .
"S-sige, balik na ako sa loob."
Mas lalong lumungkot ang mukha niya. Ngayon ay nadadala na ako sa emosyong ipinapakita niya sa akin.
"S-sorry talaga, I just wanted to help. . ."
Napakamot ako sa ulo. "Ano ba kasing ginagawa mo rito? Napadaan ka lang ba? Huwag ka nang mag-sorry! Ayos lang 'yon."
"No it wasn't, I'm really sorry for causing you trouble," he sighed making a puppy eyes.
Ba't ang cute? At nakakaawa!
"Sige na, umuwi ka na. Napadaan ka lang yata e. Ako pa ang naka-istorbo sa 'yo."
"I wasn't just passing by, I really came here to see you."
Napahinto ako. s**t, sinasabi ko na nga ba!
"So ini-stalk mo ako? At bakit? Please naman, nabayaran ko naman na ang bill mo sa hospital! May additional ba na bayad? Huwag mo naman akong ipakulong!"
"I need someone to talk to. . ."
Mas lalo akong nakaramdam ng awa sa kaniya. His eyes were full of agony. Halatang pagod, malungkot at hinanakit sa buhay. Akala ko ba kapag sikat ka at maraming pera, palagi na'ng masaya? Bakit kahit mayro'n na siya ng lahat, malungkot pa rin?
At dahil nadala ako sa malungkot niyang mukha. Tumango ako. "Sige, hintayin mo ako kung kaya mong maghintay. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko."
—
Alas dos ng madaling araw ang out ko sa trabaho. I never expected that he'll wait for me pero pinuntahan ko pa rin kung saan siya nakaparada. Napailing na lang ako nang makitang wala na ang sasakyan niya roon. Sabi ko na nga ba at hindi 'yon makatitiis. Anong oras na kaya! Sino bang magtyatyagang maghintay sa kalagitnaan ng gabi para lang may makausap—sabi ko nga, siya!
Pumarada ang kotse niya sa pinaradahan nito kanina. Bagsak ang panga ko nang ibinaba niya ang bintana ng kotse, nakasuot pa rin siya ng sunglasses at nakahooded jacket.
Napipilitang lumapit ako sa kaniya. Sinabihan ko siyang maghintay kaya dapat tuparin ko 'yon. Isa pa, kung sakaling may gawin siyang masama sa akin, hindi makakaligtas ang social media. Isang click ko lang, sira ang buhay niya! Hindi ko kinalimutang buksan ang location ng cellphone ko kanina.
Malapad ang ngiti niya nang tuluyan akong makalapit sa kaniya. "Akala ko hindi mo ako hihintayin kung sakali mang makita mong wala na ang kotse ko," aniya.
Napangiwi ako. "Hindi naman kasi talaga kita hinintay. Kalalabas ko lang din."
Marahang bumagsak ang ngiti sa kaniyang labi. Mukhang na-disappoint at sa t'wing ganiyan ang reaksyon niya, ewan ko ba, ba't ako naaawa? Inaamin ko namang maamo ang mukha niya pero sa dami naman ng maamong mukhang nakita ko, hindi naman ako naawa nang ganito!
"Sa'n ka ba kasi galing?" magkarugtong ang kilay na tanong ko. Para lang maiba ang usapan.
"Hmm, bumili lang ako ng burger d'yan sa malapit na convenience store. Kumalam ang sikmura ko sa tatlong oras na paghihintay," ngumiti siya. . . ulit!
Ang bait niyang tingnan, ang amo ng mukha, nakakaawa siya kapag nalulungkot at malakas siyang mangonsensya. Talaga bang ganito itong taong 'to? Nakaka-curious naman!
"Teka, ano ba kasing gusto mong pag-usapan? 'Di ba sabi mo gusto mo ng kausap? Tara na, usap na tayo," walang paligoy-ligoy na sabi ko.
Para siyang tuta na tumango at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Bago ako pumasok, in-examine ko na muna ang loob ng kotse niya. Better be safe than nganga later! Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight. Itinutok ko iyon sa mga sulok-sulok ng kotse niya habang nakabukas pa rin ang pinto.
"What are you doing?" he asked wondering.
"Hindi ba obvious? Checking if there's a hidden object na pwede mong itutok sa akin."
"You're kidding, right?" he scoffed.
Huminto ako sa ginagawa ko saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Nope, hindi ko ugali ang magbiro."
Bumilog ang mga labi niya saka marahang tumango. "Okay, wala ka namang makikita r'yan."
True enough, wala naman talaga akong nakitang kahit anong kahina-hinala. Ang totoo, masyadong malinis ang kotse niya. Halatang conscious siya sa gamit lalo na't wala akong nakitang ni katiting na alikabok.
"Bago ba 'tong kotse mo? Parang bagong-bago." Tuluyan ko nang isinara ang pinto ng kotse.
Hindi niya ako sinagot kaya nilingon ko siya. He was smiling but at the same time, nangingilid ang mga luha sa mga mata niya.
Nang dahil sa reaksyon niya, nangunot ang noo ko. "Anong problema? Iiyak ka ba?"
Iyon pa lang ang nasasabi ko, nag-iwas na siya ng tingin sa akin. Mukhang totoong iiyak nga yata dahil suminghot siya at kaagad na pinunasan ang mga mata.
"I'm happy," he admitted. "I'm happy that someone's willing to hear me out."
Kumabog ang puso ko. Kung ano man ang dinadala niya, mukhang sobrang bigat nga talaga.
"Because if no one's willing to hear my problem, I guess I wouldn't make it. I'm suicidal, Cammi."
Nang marinig ko amg mga salitang 'yon sa kaniya, nakumbinsi ko ang sarili ko na maging mahinahon. . . at manatili sa tabi niya ngayong gabi.