CHAPTER 29: MAAGA AKONG NAGISING pero wala na si Veron sa tabi ko. Nalungkot ako na hindi manlang niya ako ginising para magpaalam na babalik na sa kwarto niya. Nakakahiya rin naman kasi sa Daddy niya, for sure kapag naabutan niyang wala si Veron sa kwarto. Dumiretso ako sa banyo pagkagising na pagkagising ko. Naghilamos at saka ako lumabas ng kwarto. Medyo hirap akong maglakad, lagpas dalawang oras yata kaming gumawa ng milagro kagabi. Maisip ko pa lang kung gaano ka-wild si Veron sa kama, nag-iinit na kaagad ang pisngi ko. Iyong tinaguriang inusente ng mga fans niya, hindi ko alam kung bakit parang eksperto sa kama. Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Veron pero hindi siya sumasagot kaya nagpasya akong bumaba at tumulong sa kasambahay nilang magluluto ng almusal. Kamuntikan nga lang ak