“HINDI ba’t sinabihan na kitang ako na ang kakausap kay Danee? Bakit nagpunta ka pa din do’n?” Bumuntong-hininga si Florie, iyon agad ang itinanong sa kanya ni Baro pagpasok nila sa bahay. Hindi man lang siya nito hinayaan munang maibaba ang bag niya sa sofa. “Bakit ba hindi ka nakikinig sakin?” galit na tanong nito. Humarap siya sa asawa. “Ako pa talaga ang hindi nakikinig sa’yo? Ako pa talaga?” “Akala ko nagkaintindihan na tayo na ako na lang ang kakausap sa kanya?” sinundan siya nito nang maglakad siya papunta sa kusina para kumuha ng tubig inumin. “Kailan ba tayo nagkaintindihan?” tanong niya. “Kailan ba naging parehas ang desisyon natin? Kailan mo ba ko inintindi?” “This is not the right time for your rants, Mamsy—“ “Huwag mo kong tawaging ‘Mamsy’!” sigaw niya kay Baro, nagulat