ISINUKLAY ni Baro ang mga daliri sa kulay abong buhok. Kanina pa niya binabasa ang script na hawak pero kahit isa doon ay walang pumasok sa utak niya. Napabuntong-hininga siya, limang araw pa lang ang lumilipas magmula noong mag-away sila ni Florie pero pakiramdam niya limang taon na iyon. Nakauwi at nakapasok nga siya sa bahay nila nang mismong araw din ng pag-aaway nila pero ang pagtrato naman sa kanya ng asawa ay mas malamig pa sa ibinubugang hangin ng aircon nila sa kwarto tuwing gabi. Hindi naman nagbago ang pag-aasikaso nito, ipinagluluto pa din siya ng almusal sa umaga at ipinaghahanda ng pagkain sa gabi. Kumakain silang sabay pero hindi nag-iimikan. Kung subukan man niyang mag-bukas ng mapag-uusapan ay puro tango at kibit-balikat lang ang isinasagot nito. Hindi na din siya nito m