“KAYA mo pa… hangga’t nasasaktan ka, kaya mo pa. Kasi hindi ka naman na makakaramdam ng sakit kung manhid ka na, kung pagod ka na at alam mong wala nang pag-asa…” Parang sirang plaka na umeere sa isipan ni Florie ang sinabing iyon ni Sarah sa kanya nang puntahan siya ng mga ito sa bahay matapos malaman na nag-away sila ni Baro. “Hanggang kailan ko naman ‘to makakayanan?” bulong ni Florie. Napapagod na siyang magpasensya at intindihin ang asawa na parang wala namang pakialam sa nararamdaman niya. Nagbuntonghininga siyang muli. Hindi na niya mabilang kung nakailang buntonghininga na ba siya sa loob ng limang araw na hindi sila nag-uusap ni Baro. Lalagpas na siguro sa isandaan, dalawang daan, tatlong daan. Napakadaming daan, pero ang daan na papunta sa puso ng asawa niya ay hindi naman niy