TININGALA ni Florie ang signage ng TRANS GYM. Ito ang nakalagay na address sa meeting place nila ni Danee na ibinigay ng Manager nito kay Manager Abilar. Alangan siyang pumasok sa loob, first time niya pa lang makapasok sa ganoong lugar kaya medyo naiilang siya. Kadalasan kasi noon ay apat na sulok lang ng laboratoryo nila ang nakikita niya, ngayon naman ay ang paligid lang ng bahay nila. Simula kasi ng magsama na sila ni Baro ay pinatigil na siya nito sa pagtatrabaho at nilimitahan na din ang mga pagpunta niya sa ibang lugar. Dahil nga daw komplikado ang buhay nila, kailangan na maging maingat. Natuon ang paningin sa kanya ng ilang tao na nasa loob ng gym na iyon pagpasok niya. Kunot ang noo ng mga ito habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng asul na XL-size swe