“ANO sa tingin niyo ang ginawa niyo?” galit na tanong ni Manager Abilar kay Florie at Shen. “At ikaw Shen, hanggang dito sa BN Entertainment dinadala mo `yang kamalditahan mo.” Humalukipkip si Shen. “Pinagtanggol ko lang naman si Ate Florie—“ “That is not an excuse! Nag-eskandalo kayo ilang minuto bago ang presscon ni Baro, at dito pa mismo sa loob ng Buena Building! Paano kung makarating `to sa CEO? Ipapahamak niyo pa ang Sproutoon.” “Pasensya na po, Manager Abilar…” nahihiyang paumanhin ni Florie. “Florie, hindi ba’t napag-usapan na natin `to? Nangako ka sakin na hindi ka gagawa ng anomang aksyon na pupwedeng ikasira ng pangalan ni Baro. Kaya ko nga kayo pinanigan noon sa biglaang desisyon ni Baro na pakasalan ka—kahit pa maaaring ikatanggal ko iyon sa trabaho—dahil nagtiwala ako sa