Walang kamalay-malay sina Bryle at Leia na nakasunod-tingin pa rin sa kanila si Kenneth nang kumakain sila sa may karinderya, at iba ang pagkakangisi nito. Kitang-kita ang masama nitong pinaplano sa mag-asawa sa malademonyo nitong pagkakangiti.
Ngayon pa lang ay nagdidiwang na ang kalooban ng tusong binata dahil alam niya at sigurado na siyang mapapasakanya si Leia sa mas lalong madaling panahon.
Kanina nang tinanggap ni Leia ang pera na kunwari ay pautang niya ay parang naglagay na siya ng posas sa mga kamay nito na nagsasabing pag-aari na niya ito. At masayang-masaya siya. Hindi na siya makapaghintay na makasama na niya itong talaga. Pero konting tiyaga pa, konting pagpapaka-hero pa ang gagawin niya.
There was a time when he had been impatient, and the outcome hadn't been favorable. Therefore, at present, he would proceed with the process cautiously. Ika nga ay trust the process. Uunti-untiin niya si Leia. Hindi siya magmamadali.
Saglit ay makikitang may tinawagan ang binata sa cellphone.
“Ano na naman? Bakit ka napatawag?" si Pressy sa kabilang linya. Mainit pa rin ang ulo sa kaniya.
"Tinanggap na ni Leia ang tulong ko, Insan,” pagbabalita ni Kenneth rito kahit hindi naman kailangan. Hindi talaga niya mapigilan dahil sa sobrang kasiyahan. Napupuno ang puso niya kaya kailangan niyang i-share.
"Ano? Paano, eh, galit sa ‘yo ang asawa, ‘di ba?"
Kenneth chuckled softly. "Kapag gipit, kakapit at kakapit sa patalim.”
"Kenneth, kinakabahan ako sa mga sinasabi mo na naman! Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na tantanan mo ang mag-asawa?! Hindi ka ba talaga nakikinig?!"
Walang nakakatawa pero napahalagpak na si Kenneth ng tawa.
“Kenneth, seryoso ako! Tantanan mo ang kaibigan ko!”
“Chill, Insan. I don't have any malicious intentions to your friend; you know that. Ang gusto ko lang ay kapag nangailangan na naman si Leia ay sa akin siya ulit ito lalapit, dahil kapag laging ganoon ay may posibilidad na mahulog na ang loob niya sa akin. Hindi ko naman siguro kasalanan na kapag ganoon ang mangyayari, hindi ba?”
“Nababaliw ka na nga talaga! Bahala ka na nga sa buhay mo! Kung mauulit ang nangyari sa inyo ni Katia ay huwag na huwag mong sasabihin sa akin na hindi kita pinagsabihan!”
Mas napahalakhak siya. "Insan, kumusta pala ang bahay ng mag-asawa?" pagkatapos ay pag-iwas na tanong niya. Ayaw niyang maisingit sa usapan ang tungkol kay Katia. Hindi si Katia ang gusto niyang pag-usapan nilang magpinsan. Wala na sa kaniya si Katia. Sarado na ang kabanata ni Katia sa buhay niya para sa kaniya.
"Tupok na tupok. Walang natira. Nakita mo naman, ‘di ba?"
“Hindi na ba iyon matitirhan?” usisa niya pa.
“Syempre hindi na. Maliban na lang kung ipapaayos. Pero sa kalagayan nila ngayon na sunod-sunod ang problema, tingin ko mahihirapan sila na magpagawa ng bahay.”
"Good," nasiyahang sambit niya.
"Anong good ka diyan?"
Tawa ang isinagot ni Kenneth sa pinsan na para bang isang joke lang ang nangyari sa bahay nina Leia at Bryle.
"Kenneth, umayos ka nga! Pangit ang ganyan na natutuwa ka pa sa pagdurusa ng ibang tao! Kilabutan ka nga!"
"Maayos naman ako, ah?” patawa ni Kenneth. “Anyway, kapag lumapit sa ‘yo ang mag-asawa na diyan sila makitira pansamantala sa bahay niyo ay tumanggi ka."
"Ano ba’ng sinasabi mo, ha? Nababaliw ka na bang talaga? Gusto tumawag na ako sa mental?"
"Basta seryoso ako. Oras na humingi ng tulong si Leia ay tumanggi ka tapos i-offer mo iyong bahay ko. Sabihin mo na willing akong patirahin siya doon kahit pa kasama ang g*gong Bryle na ‘yon.”
“Diyos ko, Kenneth, sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga gusto mong mangyari!”
“Don't worry, I'll buy you a lot of medicine. Kahit isang karton pa," he joked.
“Sira-ulo!”
Kenneth barked a laugh once more.
Ever since they were kids, he had always enjoyed teasing Pressy, so it was nothing new. He had no worries because he knew that Pressy wouldn't take offense, and certainly wouldn't disappoint him. Kahit brutal itong magsalita sa kaniya ay natitiyak niyang susundin pa rin nito anumang hiling niya, sapagkat katulad niya ay hindi rin siya nito matitiis.
“I’m hanging up. Huwag mong kakalimutan ang sinabi ko. Tanggihan mo lahat ang tulong na hihilingin sa iyo ni Leia at ipasa mo sa akin.”
"Hell, no! I won't tolerate your foolishness!” pagtuligsa pa rin ni Pressy sa kaniyang ideya.
“Yes, you will. Love you, insan.”
“Gusto mo ba talagang maulit ang nangyari sa inyo ni Katia, huh?!”
“Walang mauulit dahil iba ang kuwento namin ni Leia sa kuwento namin ni Katia, Insan. Titiyakin ko iyon.”
“Ay, oo nga. Hindi nga pala talaga mauulit dahil siguradong mas malala ang mangyayari oras na ituloy mo ang masamang plano na iyan sa mag-asawa. Siguradong mas malaking gulo.”
Umiling-iling siya kahit hindi siya nakikita ng kausap. “No, and I assure you of that. Naniniwala ako na si Leia na talaga ang babaeng para sa akin.”
“Imposible ang sinasabi mong iyan, Kenneth. Mahal na mahal nina Leia at Bryle ang isa’t isa. Hindi ka magwawagi sa kanila kaya utang na loob itigil mo na ang kabaliwan mo. Ang mabuti pa ay bumalik ka na lang sa Amerika at kalimutan si Leia tulad ng paglimot mo kay Katia!”
“Nah, hindi ko gagawin. Utusan mo na lang akong tumalon sa may footbridge sa EDSA at baka mas magawa ko pa iyon.”
“Puwede ba sumeryoso ka at kahit ngayon lang ay makinig ka sa akin?!” Ang lalakas na talaga ng tinig ni Pressy. Galit na galit na talaga sa kaniya.
“Sorry, Pressy, pero buo na ang pasya ko,” giit niya.
“Ay, ewan ko sa ‘yo!” Binabaan na siya ng cellphone ni Pressy, pero imbes na magtampo o mainis siya sa pinsan ay nagtatawa siya na parang baliw. At bago pa man siya matuluyan ay binuhay na niya ang makina ng kotse niya. Umalis na siya sa ospital na iyon matapos ang isang sulyap niya pa kay Leia.
Ang hindi niya maintindihan, habang tumatagal, habang nagmamaneho ay kung bakit siya naapektuhan sa pagpapaalala na naman sa kaniya tungkol kay Katia. Hanggang sa biglang preno siya sa tabi ng kalsada. Humihingal habang nakatiim-bagang. Napakabangis ng kaniyang mukha.
He thought he wouldn't be affected anymore by Katia. Mukhang nagkamali pala siya dahil heto’t muling naninikip ang dibdib niya sa pagkaalala na naman niya sa nakaraan nila ng dalaga.
“Sh*t!” Nasuntok niya ang manibela. Hingal na hingal na pilit niyang pinayapa ang kaniyang sarili. Unfortunately, the bitter past still lingers in his thoughts.
Sampung taon na ang nakakaraan ay nakilala niya si Katia. Noong nagpasundo sa kaniya ang kaniyang Ate Shelly sa isang yoga studio, and that was Sunday afternoon. Agad na umagaw noon sa pansin niya ang napakagandang si Katia Marquez. Ginawa niya ang lahat upang makilala niya ito. Kasama na roon ang kunwari interesado rin siya sa pagyo-yoga kahit na kinantyawan siya noon nina Kyro at Athan na para raw siyang bakla.