CHAPTER 20

1292 Words
"Sir Kenneth, ano ba’ng ginagawa niyo?" takang-taka na tanong ni Leia kay Kenneth. Nakaupo na siya sa loob ng kotse. Tinangka niyang lumabas pero agad na ipinower-lock ni Kenneth ang mga automatic door ng sasakyan at mabilis na pinasibad iyon. "Hindi mo tinanggap ang tulong ko sa inyo kanina pero heto at para kang basahan na humihingi ng tulong kung saan-saan,” madidiin ang boses ng binata. Nagsasalita ito pero hindi siya tinitingnan, diretso ang tingin nito sa kalsada habang natiim-bagang. "Tinanggihan ka na nga lahat-lahat pero sige ka pa rin. Hindi ka ba nahihiya? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?” Umawang ang mga labi ni Leia. Nakita lahat ‘yon ni Sir Kenneth niya? Sinusundan ba siya nito kanina pa? Napayuko siya ng ulo. Naawa na rin siya sa kaniyang sarili. Nahiya sa katabi. Pero ano’ng magagawa niya kung walang maitutulong sa kaniya ang mga nilapitan niya. Alam din niya ang mga buhay ng mga kamag-anak nila ni Bryle. Parehas din nilang mga hirap sa buhay kaya naiintidihan niya sila. Isa pa, madami na rin silang naitulang sa kanila kaya wala siyang karapatan na magreklamo o magdamdam kung ngayon ay wala silang maitutulong. "Tanggalin mo ‘yang pride mo, Leia. Allow me to help you. Kung ayaw mo na ibigay ko lang ang pera ay sige ipapautang ko sa ‘yo," sa pagkakataong iyon ay bumaba na ang boses ni Kenneth. Ito pa ang parang nakikiusap sa kaniya. Muli ay napatingin si Leia sa binata. Nangingilid na ang kaniyang mga luha. “Hayaan mo akong tulungan ka. Isipin mo na para sa anak mo ang inaalok kong tulong. Pabayaan mo ang asawa mo kahit magalit pa siya sa akin o sa iyo. What's important now is to save the life of your child, isn't it?" pangungumbinsi pa sa kaniya nito. Naisip ni Leia na may punto si Kenneth. Buhay ng anak niya ang nakataya rito kaya wala siyang karapatan na tanggihan ang anumang alok na tulong. Kailangan ng gamot ni Lacey, kung uunahin niya ang pride niya at pride ni Bryle, ano ang mangyayari sa kanilang anak? “Huwag ka nang mag-isip, okay? Don’t worry walang makakaalam.” Hindi na siya umimik. And silence means yes para kay Kenneth. Nakahinga na ito nang maluwag. Tumingin-tingin na ito ng bangko na nadadaanan. “Iyong tungkol sa lalaki kanina. Ako na rin ang bahala,” sabi pa nito. “Pero—” aangal sana ulit si Leia. Iyon ang parang hindi na niya matatanggap na tulong. “Utang mo pa rin sa akin,” pero maagap na sabi ni Kenneth. “Hindi mo po kailangang gawin iyon, Sir Kenneth. Sapat na po na mapautang mo ako ng pambili ng gamot ni Lacey,” pagtanggi niya talaga. “No, I insist. I know it's very difficult to solve a problem when there are other issues as well. Kaya huwag mo nang iisipin ang tungkol sa kotse na nasira, ako na muna ang bahala roon. Ang isipin mo na lamang muna ngayon ay alagaan si Lacey,” napakabait na saad pa rin ng binata kasabay nang pagdantay nito sa isang kamay nitong ibinitaw sa manibela at itinapik sa kaniyang balikat. May kung anong humaplos naman na sa puso ni Leia. Pasalamat talaga niya sa Diyos at nakilala niya si Kenneth, na naging amo niya ito. “Pero puwede bang malaman kung bakit nagkautang kayo sa lalaking iyon? Ano’ng nangyari sa kotse niya pala?” “Binasag ni Bryle noong sinumpong siya ng sakit niya,” alanganin man ay napilitan niyang pag-amin. “Sakit? Ano’ng sakit niya?” lalong na-curious na tanong pa ni Kenneth. Iyon ang parang hindi pa kayang sabihin ni Leia sa binata. Hindi niya ikinakahiya na may sakit ang kaniyang asawa. Naisip lang niya na parang mali na isawalat niya sa amo ang tungkol sa pribadong buhay nilang mag-asawa. Pasulyap-sulyap sa kaniya si Kenneth habang nagmamaneho. Hinihintay talaga nito na magkuwento siya. “Babayaran ko rin agad ang mga ipapautang mo sa akin, Sir,” kaya nama’y pag-iiba niya sa usapan. “Hindi man po ako makabalik bilang kasambahay niyo ay sisiguraduhin kong gagawan ko pa rin ng paraan para mabayaran ka po namin.” “Hindi ka babalik sa bahay? Susundin mo ang asawa mo?” may panghihinayang na mga tanong na naman ni Kenneth. “Gusto ko pong sundin ang gustong mangyari ng asawa ko para wala na pong gulo. At saka hiyang-hiya na po kasi ako sa inaasal niya sa iyo. Hindi mo po deserve na mabastos ka ng ganoon ng mister ko dahil napakabait niyo pong tao.” “Pero wala naman iyon sa akin. I understand him,” patuloy sa pagpapatay-malisya ni Kenneth. Madaming iling ang ginawa ni Leia. “Salamat po, Sir, pero para wala na lang gulo ay baka sundin ko na lang po ang kagustuhan ng asawa ko. Ayoko po na lumalim ang initan niyong dalawa dahil sa maling paratang niya,” at pagkaklaro niya. Malalim na bumuntong-hininga naman si Kenneth. “Sabagay, sabi nga nila kapag mag-asawa na, dapat ay compromise lagi ang desisyon ng isa’t isa upang maayos lagi ang pagsasama. Madami nga akong kakilala na ginive-up ang pangarap nila para sa mga asawa nila.” “Ganoon nga po.” Sobrang naginhawaan si Leia dahil mukhang nauunawaan na siya ng amo. Nagawa na niyang ngumiti ulit. “Okay.” Tumango-tango si Kenneth. "Whatever decision you make, I will respect, but for now, I won't take it seriously that you're resigning. Saka na lang ulit natin pag-usapan iyan oras na makalabas na ng ospital si Lacey.” “Salamat po ulit, Sir,” pasalamat naman niya. “Mahal mo talaga siya, ano?” “Po?” “Kako ang asawa mo.” Nag-blush man ay tipid na ngumiti si Leia. “Opo, Sir. Mahal na mahal ko po ang asawa ko. Gagawin ko po ang lahat para sa kaniya, sila ng anak namin.” May kung anong sumibat sa puso ni Kenneth, hindi lamang nito ipinahalata. Naputol na ang kanilang usapan nang saglit pa’y ipinarada na ni Kenneth ang kotse nito sa parking lot ng isang sikat na branch ng bangko. At bago bumaba sa sasakyan ay binalingan niya si Leia at nginitian. Sa kabila ng mga sinabi ni Leia tungkol sa asawa nito ay hindi natibag ang kumpiyansa ni Kenneth sa sarili, bagkus ay lalo pa siyang na-challenge. Naniniwala pa rin siya mapapasakanya si Leia bandang huli. He still believes na masisira niya ang relasyon ng mag-asawa. “Saglit lang ako,” aniya kay Leia at bumaba na siya sa kotse. Hindi siya nagsayang ng oras. Nag-withdraw siya sa may counter. At kahit natantya na niya ang kakailanganing halaga ni Leia ay sinubrahan pa rin niya. “Sobra-sobra po yata ang perang ito, Sir?” Nagulat tuloy si Leia nang iabot niya rito ang puting envelop na may lamang makapal na pera na tag-isang libong papel. “Naisip ko kasi na hindi lang naman gamot ang kakailanganin niyo roon sa ospital,” paliwanag niya. “Pero baka mahirapan po ako na bayaran ito agad, Sir?” “Iyon nga ang gusto ko, Leia, ang hindi ka makabayad upang kapag siningil kita ay wala kang magiging takas!” nais niyang sabihin ngunit itinikom niya ang bibig. He controls himself and keeps his mind on the goal of winning her over. What Leia should see in him is a perceived hero, not a villain. “Hindi ko matatanggap ang lahat ng ito, Sir?” pagtanggi pa ni Leia sa mga pera. “Take it at bayaran mo kung kailan mo gusto,” ang senserong lahad niya nang muli siyang magsalita. Napamaang na lamang si Leia habang palipat-lipat ang tingin nito sa kaniya at sa pera. Ngumingiti naman si Kenneth sa tuwina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD