CHAPTER 18

1147 Words
Sa bahay ni Kenneth ay nagtatalo pa rin sila ni Pressy. Hindi talaga makapaniwala si Pressy sa binabalak na hindi maganda ni Kenneth kay Leia. "Ano ka ba naman, Kenneth! Una pa lang ay sinabi ko na sa iyo na may asawa na si Leia! Sisirain mo ang relasyon nila dahil lang sa selfish mong nararamdaman na iyan? Nababaliw ka na ba?!” "Siguro nga nababaliw na ako, Pressy! But I don't care! I've made up my mind—I like Leia, and that's the end of it! Gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya!” "Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mong lalaki ka!" "Hindi, basta ang gusto ko ngayon ay mapasakin si Leia! I will take her from her husband, and no one will be able to stop me!" “Diyos ko naman, Kenneth! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?!” Animo’y puputok na ang ulo ni Pressy na napanoo. Napangisi naman si Kenneth. Malademonyong ngisi bago humakbang pabalik sa diniring area. “At tutulungan mo ako, Insan,” pero bago ito tuluyang makapasok ay pilyong sabi nito kay Pressy. Naduro na talaga ni Pressy ang nababaliw na binata. “Tigil-tigilan mo ako, Kenneth Fontalan!” Nagtatawa naman ngayon si Kenneth at parang batang binilisan ang pagpasok sa dining. “Kenneth!” Nag-iinit na ang bunbunan ni Pressy na sumunod dito. Ngumiti lamang si Kenneth dahilan para lumitaw ang biloy nito sa kanang pisngi na lalong nagpapaguwapo rito. Nang-aasar pa na kinain ng buo ang kaninang hotdog na isinusubo niya kay Leia. “Umayos ka! Tantanan mo ang mag-asawa! Ayaw mo naman siguro na isumbong kita sa mommy at daddy mo, ano?! At lalong ayaw mo naman sigurong pabalikin ka nila agad sa States o ipatapon sa San Lazaro, hindi ba?!” Mabilisang nginuya at nilunok ni Kenneth ang pagkain sa bunganga bago sumagot. “Syempre ayoko, Insan. Pero duda ako na gagawin nila iyon?” “At bakit naman?” Halos magsalubong na talaga ang mga kilay ni Pressy na pumanaywang. “Dahil baka nga matuwa pa sila kapag sasabihin ko nang mag-aasawa na ako. You know, they said they want to have grandchildren from me already,” pilyong sagot niya pa rin. “Nahihibang ka na talaga!” kay lakas tuloy ng naging boses ni Pressy. Dumagundong sa bawat sulok ng dining area. Ikinatawa niya naman iyon na parang totoong nababaliw na nga. “Kenneth, naghihirap na ang mag-asawa financially. Lubog na sila sa utang kaya please huwag mo namang dagdagan ang paghihirap nila. Huwag mo na silang guluhin. Maawa ka naman kay Leia na ginagawa lamang ang lahat para sa mag-ama niya kaya nandito siya at nagkakatulong sa ‘yo.” “Ayaw mo ba niyon? Iaahon ko sa hirap si Leia. Kapag ako na ang asawa niya ay never na siyang mahihirapan. Magiging maayos ang buhay ng kaibigan mo sa piling ko. I will make sure that she will live a comfortable life.” Naitakip ni Pressy ang isang palad sa kalahati ng sariling mukha. Halatang hindi na nito alam ang sasabihin upang mapigilan lamang ang masamang balak ng pinsan kina Leia at Bryle. “Alam mo, tatawagan ko na lamang si Tita Alvina para sabihin sa kaniya ang kalokohang naiisip mo na naman!” sa huli ay pagbabanta na lamang nito. “Hindi mo gagawin ‘yan, Pressy,” ngunit ay sumeryosong saad ni Kenneth. “At bakit hindi gayong nababaliw ka na naman?” Ngumisi si Kenneth. “Basta hindi mo gagawin dahil mas gugustuhin ko na lang na maging bangkay kaysa bumalik sa States at hindi na makita si Leia.” “Are you threatening me?” “I’m not. Ang sinasabi ko lang ay hindi ko na gugustuhin pang bumalik sa States dahil ang gusto ko na lamang ngayon ay makasama na lang si Leia.” “Kenneth, natatakot na ako! Nagiging ikaw na naman si Kenneth noon na—” “Shut up, Pressy! Huwag mo akong ikukumpara sa noon na ako dahil hindi na ako bata ngayon! I’m matured enough para—” “But take a look at yourself!” pabulyaw na pamumutol din ni Pressy sa sinasabi ni Kenneth. “Iyang sinasabi mo! Iyang gusto mong mangyari! Parang noon din, Kenneth! Parang iyong ginawa mo rin noon kay Katia!” “No! Mali ka dahil iba ang nararamdaman ko ngayon kay Leia sa nararamdaman ko noon kay Katia!” ngunit pabulyaw rin na pagsalungat ni Kenneth. Nakakamao na siya at nakatiim-bagang. Naiiyak sa inis na umiling-iling si Pressy. Nakarehistro ang matinding pagkadismaya niya sa pinsan. Na konti na lang ay gusto na niyang pagsisihan kung bakit tinulungan niya pa itong makabili ng bahay at ilapit si Leia rito. “I’m sorry if I shouted, Insan. Alam mo namang ayaw ko nang binabalikan pa ang tungkol sa amin ni Katia. Isa pa ay wala naman akong gagawin na masama kay Leia, eh. Actually, gusto ko nga siyang protektahan.” “Hindi mo kailangang gawin iyon dahil kung meron mang dapat magprotekta sa kaniya, iyon ay si Bryle dahil si Bryle ang asawa niya. Hindi mo iyon mababago kahit ano’ng gawin mo,” matigas pa ring sabi ni Pressy. “Alam ko naman iyon,” nanlumong saad ni Kenneth. Napayuko siya ng ulo at napahimas sa batok. “Pwes, pigilan mo ang puso mo. Para sa ikatatahimik ng lahat, hindi ka puwedeng ma-in love kay Leia nang tuluyan,” sabi pa ni Pressy. Sa puntong iyon ay nagsukatan naman ng masamang tingin ang magpinsan. Natigil lang nang tuluyan ang pagtatalo nila nang tumawag ang asawa ni Pressy. Masama ang tingin niyang dinukot sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone at sinagot. "Ano?!" at sobrang lakas na naibulalas ni Pressy nang ibalita ng asawa niya ang nangyari sa bahay nina Leia at Bryle, lalo na sa nangyari kay Lacey. "Ano ‘yon?" nagtakang tanong ni Kenneth sa pinsan nang matapos makipag-usap sa cellphone. "Samahan mo ako dali!" hestirikal ni Pressy. "Saan?" "Nasunog daw ang bahay nina Leia at Bryle!” “Ano?!" “Oo, kaya halika na! Puntahan natin sila!” Nagtatakbo ang magpinsan sa garahe. Agad na pinasibad ni Kenneth ang kotse nang makasakay sila. Subalit hindi na nila nadatnan ang mag-asawa doon sa nasunog na bahay dahil itinakbo raw nina Leia at Bryle ang anak sa ospital. Nagtungo rin agad ang magpinsan sa ospital. Doon nga nila nakita ang mag-asawa. "Pressy!" Nag-iiyak agad ni Leia sa kaibigan nang makita ito. "Nasa’n ang inaanak ko? Kumusta siya?" "Hindi ko alam. Nasa loob pa," umiiyak na sagot ni Leia. “Relax ka lang. May awa ang Diyos. Hindi niya pababayaan si Lacey,” pag-alo ni Pressy. Ramdam na ramdam ni Pressy panginginig ng buong katawan ni Leia gawa ng takot para sa buhay ng anak nito. "May maitutulong ba kami, Leia?" pag-alok naman agad ni Kenneth ng tulong. Tinapunan ito ni Bryle ng nanlilisik na tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD