CHAPTER 15

1693 Words
Nagising si Leia na ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Para kasing ang sarap ng tulog niya. Nakangiting pupungas-pungas pa nga siya na bumangon, nag-inat at naghikab. Subali’t bigla rin siyang natigilan at kinabahan nang makita niyang wala pala siya bahay nila dahil magandang kuwarto ang nakikita niyang kinaroroonan. Nasa’n siya? Mayamaya ay lumuwa na ang mga mata ni Leia at napatutop bigla sa bunganga niya nang maisip niyang nasa bahay pa rin siya ni Sir Kenneth niya. Diyos ko, hindi nga siya nakauwi kagabi! Bigla na siyang tayo. Nataranta. Hindi niya alam ang unang gagawin niya. Basta ang agad tumakbo sa isip niya ay ang asawa niya. Si Bryle! Baka hinihintay pa rin siya ni Bryle! Kailangan na niyang umuwi! Dali-dali siyang lumabas sa magarang kuwarto at nagkukumahog na bumaba sa may hagdanan. At tutunguhin na dapat niya ang pinto ng magarang bahay para umuwi nang bigla namang bumungad ang kaniyang amo. "Gising ka na pala. Good morning," bati sa kaniya ni Kenneth sa likuran. Kusot dahil sa matinding pag-aalala ang mukha niyang lumingon dito. "I have prepared breakfast. Halika almusal muna tayo," anang binata na ngiting-ngiti. May hawak itong sandok at naka-apron pa. "B-bakit po kayo nagluto, Sir?" Nakaramdam agad ng hiya si Leia. Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. Dapat ay siya ang gumagawa niyon. Nainis siya sa sarili niya. Hindi na nga siya nakauwi, hindi pa niya nagampanan ang trabaho niya. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Napangiwi siya. “At dapat po ginising niyo ako kagabi nang dumating kayo?” "Sorry, ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. But don’t worry mamayang hapon pa naman ang lakad ko kaya okay lang.” Nakagat ni Leia ang kaniyang pang-ibabang labi saka pasimpleng tiningala ang wall clock sa salas. Alas otso na ng umaga, hindi nga halatang nasarapan siya ng tulog. Siguro ay dahil napakalambot na kutson ang tinulugan niya. Hindi matigas sa likod gaya ng kama nilang plywood sa bahay nila ni Bryle. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niyang gumising siya sa isang kama ng malaking bahay at hindi sa sofa. “Sir, ikaw ba ang naglipat sa akin sa kuwarto?” hindi niya natiis na hindi itanong. “Uhm, yeah. Nakita ko rin kasi na parang hindi ka kumportable sa sofa kaya inilipat kita.” Naramdaman ni Leia ang pagguhit ng init sa magkabila niyang pisngi. “Naku, nakakahiya naman po sa inyo. Kahit payat po ako ay mabigat po ako.” “Wala ‘yon. Don’t mind it.” Sa puntong iyon ay napakagat-labi naman si Leia. Hiyang-hiya pa rin siya. Hindi niya ma-imagine ang hitsura niya habang karga-karga siya ng guwapong amo. "Halika na. Kain na tayo. Gutom na ako, eh," untag ni Kenneth sa kawalan na niya ng kibo. Inalis nito ang apron sa katawan. "Naku huwag na, Sir," nahihiyang tanggi ni Leia. At gusto niya sanang sabihin na ang gusto niya ay uuwi muna saglit pero hindi naman niya kaya. Naisip niya na oras na ng trabaho niya. Parang ang kapal na ng mukha niya yata kung uuwi pa siya sa ganoong oras. “Nahiya ka pa.” Nakangiting lumapit sa kaniya si Kenneth at saka walang anumang hinila siya nito sa kamay. “Come on, join me. Sayang naman ang mga niluto ko kung ako lang mag-isa ang kakain." Nanlalaki ang mga mata ni Leia na napatingin sa kamay ni Kenneth na nakahawak sa kaniya. Alam niyang hindi tama na makaramdam siya ng kuryente, pero nakaramdam siya. Ramdam na ramdam niya. Hinila siya ni Kenneth hanggang dining area. "Here, tikman mo kung masarap," sinubuan pa siya ng binata sa nilutong almusal na hindi binibitawan ang kaniyang kamay. "Naku, Sir, huwag na po." Nagba-blush na iniwas ni Leia ang mga labi niya. Simpatikong natawa naman si Kenneth. "You’re blushing again.” “Naku hindi po." Pinunas ni Leia ang mukha. Natawa ulit si Kenneth. Naku-cute-tan talaga siya kay Leia. Kiming napangiti na rin si Leia. “Sige na, kahit tikim lang. Don’t worry, natitiyak kong masarap ito dahil hindi naman sa pagmamayabang, eh, marunong din naman akong magluto,” pamimilit pa ng binata. Tuminidor ito ang hotdog at isinubo sa kaniya. Wala nang nagawa si Leia kundi ang ibuka ang kaniyang mga labi. Kumagat siya konti. “Ayos naman ang pagkakaprito ko, ‘di ba?” Muling gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi habang ngumunguya. “Yes! Puwede na akong mag-asawa,” biro ni Kenneth na may kasama pang suntok sa hangin. Lumuwak naman ang pagkakangiti niya. Sa pakenkoy na iyon ng amo ay guminhawa nang kaunti ang kalooban niya. “Isa pang kagat,” subo sana ulit ni Kenneth sa hotdog sa kaniya. “Ako na po, Sir.” Bago pa man siya mailang ulit ay tarantang kinuha niya ang tinidor sa kamay nito. Siya na ang nagsubo niyon sa kaniyang sarili. Nagngitian sila. “Suwerte po ang babaeng mapapangasawa niyo, Sir. Mabait po kayo at maasikaso. Iilan na lang po ang lalaking tulad niyo,” papuri niya rito. “Sayang nga lang dahil ang gusto kong babae ay may asawa na,” subalit makahulugang sabi ni Kenneth. Unti-unting nabura ang ngiti ni Leia. Nahigit din niya ang hininga at wala sa loob na napatitig siya sa guwapong mukha ng amo. At pati man ito ay napatitig sa kaniya. His intense, piercing gaze locked onto her. May sinasabi ang mga mata nito. Nagulantang lang ang dalawa at nagbalik sa sarili nang biglang parang may pabalibag na nagbukas sa main door ng bahay. “Leia!” kasabay niyon ang malakas na boses ni Bryle. "Bryle?" Namilog ang mga mata ni Leia pagkarinig niya sa boses ng kaniyang asawa. Dagling siyang napalingon pagkatapos ay tarantang lumabas sa dining area. Hindi na niya nakita ang pagtiim-bagang at pagdilim ng mukha ni Kenneth na naiwanan niya. "Leia, nasaan ka?!" Papaakyat na sana si Bryle sa hagdanan ng malaking bahay. Tahimik na nakasunod lamang sa kaniya si Pressy. "Mahal, nandito ako," pero tawag na sa kaniya ng asawa na nakatingala sa ibaba ng hagdanan. Agad bumaba sina Bryle at Pressy. “Bryle, bakit ka nandito?” tanong ni Leia sa asawa nang maglapit sila. “Bakit hindi ka umuwi?” Hinaklit agad ni Bryle ang kaniyang braso. “Huwag mo namang saktan ang asawa mo, pare,” sulpot na rin ni Kenneth. Prenteng nakapamulsa ang mga kamay na lumapit sa kanila. Walang kabaha-bahala. Nagsalubong ang masamang tinginan ng dalawang lalaki. Nabahala naman si Leia. “Sorry, Mahal, nakatulog ako. Hindi ko namalayan na umaga na,” kaya naman ay agaw-pansin niya sa asawa. “At kailan ka pa naging pariwara?! Kailan mo pa nakalimutan na may asawa at anak ka?!” subalit sumbat naman sa kaniya ni Bryle. "Mahal, nasasaktan ako," daing ni Leia dahil dumiin ang pagkakahawak ni Bryle sa braso niyang patpatin, para na iyong mapipisa. Galit na galit talaga ang kaniyang asawa at ngayon lang niya ito nakita na ganoon kabagsik kahit hindi ito sinusumpong ng sakit. "Hindi mo na kami naisip ng anak mo?! Si Lacey gutom na gutom na siya!" Lalo pang hinigpitan ni Bryle ang pagkakahawak sa braso ni Leia. Malapit-lapit na naman siyang lamunin ng kaniyang sakit sa utak. "Pare, nasasaktan na si Leia. Let go of her,” hindi napigilang awat ulit ni Kenneth. "Oo nga, Bryle, bitawan mo si Leia. Mag-usap kayo ng mahinahon,” pangingialam na rin ni Pressy. Pinilit nitong inalis ang kamay ni Bryle sa braso ni Leia. Bumitaw naman si Bryle. Bigla ay parang natauhan. Mangiyak-ngiyak si Leia na nahimas-himas niya ang braso. “Sorry, Mahal, pero maniwala ka dahil lang sa sobrang pagod siguro kaya nakatulog ako sa salas kaya hindi ako nakauwi." "Totoo ‘yon, pare. Nagsasabi ng totoo ang misis mo at kasalanan ko dahil hindi ko na rin siya ginising pagdating ko dahil ayokong istorbohin ang tulog niya," segunda ni Kenneth kahit ang totoo ay gusto na niyang sirain ang mag-asawa para mapasakanya na si Leia. Naisip lang niya na hindi siya dapat magmadali para hindi malayo sa kaniya si Leia. Gusto niya ay mapunta sa kaniya si Leia na hindi na makakawala pa. Pagpaplanuhan muna niya ang lahat. Ang sama ng naging tingin ni Bryle kay Kenneth. “At hindi mo man lang naisip na may pamilyang naghihintay sa kaniya?!” Kunwa’y nagkamot ng ulo si Kenneth. “Sorry, pare, pero nawala sa isip ko. Ang naisip ko lang kagabi ay makapagpahinga ng maayos si Leia dahil pagod siya.” "Iyon naman pala, Bryle. Huminahon ka na please," si Pressy na nahihiya sa kaniyang pinsan. "Hindi ako naniniwala na iyon lang ang dahilan!" subalit mabagsik na sabi ni Bryle. “Tara na!” Pagkuwa’y hinila na niya si Leia para iuwi. "Wait!" pigil pa sana ni Kenneth sa mag-asawa. "Sir Kenneth, babalik na lang po ako bukas. Sorry po,” pahabol na sabi ni Leia sa binatang amo. "Hindi ka na babalik dito!" kaya lang ay singhal ni Bryle sa kaniya. Maang si Leia na nagpapahila lang sa asawa. Si Kenneth na gustong humabol pa rin sa mag-asawa ay pinigilan na ni Pressy. "Insan, hayaan mo muna sila." "But he might hurt Leia." "Kilala ko si Bryle. Mabait na asawa siya kay Leia kaya huwag kang mag-alala." "Pero nakita mo naman ang ginawa niya kanina kay Leia! Halos durugin niya ang braso ni Leia!" Napabuntong-hininga si Pressy. "Gawa lang iyon ng galit niya. Sino ba kasing mister ang hindi magagalit kapag hindi umuwi ang misis niya?” Natameme si Kenneth. “Sabihin mo nga sa akin, totoo bang nakatulog lang si Leia kaya hindi siya nakauwi?" “Oo.” Kumalma na konti si Kenneth pero nasa mukha pa rin niya ang pag-aalala para kay Leia. "Pero sana nga hindi lang ganoon lang ang nangyari. Sana sinamantala ko na lang pala ang pagkakataon," ngunit wala sa sariling naidugtong ni Kenneth sa sinabi. Shocked si Pressy. "Ano’ng ibig mong sabihin?" Napatingin si Kenneth sa pinsan. "Gusto ko si Leia, Insan. At gusto ko’y mapasaakin siya." "Ano?!" ang lakas ng naging boses ni Pressy. "Oo, gusto ko siya at aagawin ko siya sa asawa niya.” Kamuntikan nang mabuway si Pressy sa sinabing iyong ng pinsan. Diyos ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD