CHAPTER 32

1474 Words
Wala na si Pressy. Nag-walk out na talaga ito dahil sa hindi pagsang-ayon nito sa gustong mangyari ng pinsan. Piniling umalis kaysa ang magkasamaan na talaga ng loob ni Kenneth. Si Kenneth na lang ang kasama ni Aling Celia na bumalik sa ospital. “Maraming salamat, iho,” senserong pasasalamat ng may katandaan nang ina ni Bryle. Panay ang punas nito sa matang laging lumuluha gawa ng katandaan at syempe sa paghihinagpis sa nangyari sa anak nitong si Bryle. “Walang anuman po,” sagot at sulyap ni Kenneth dito habang nagmamaneho. “Hindi ko na alam ang gagawin ko,” at hindi na nga napigilan ulit ng ginang ang hindi mapaiyak. Para namang may kung anong kumurot sa puso ni Kenneth, sa hitsura kasi ng matanda ay sadya namang nakakadurog ng puso. Binitawan ng isa niyang kamay ang manibela at inihawak iyon sa isang balikat ng matanda. “Huwag na po kayong umiyak,” pampalubag loob niya ritong tinapik-tapik. “Hirap na hirap na ang mga anak ko pero ganito pa ang mga nangyayari sa kanila. Wala naman akong alam na ginawa nilang masama para ganito ang sapitin nilang mag-asawa. Alam ng Diyos na mabubuti silang tao,” hikbi pa rin ng matanda. Hindi umimik si Kenneth. Panaka-nakang sulyap na lang siya sa matanda. “Grabe na ang paghihirap ng pamilya nila. Wala naman akong magawa dahil mahirap lang din ako. Wala na rin akong katuwang dahil matagal nang namatay ang asawa ko. At iyong mga kapatid ni Bryle, pare-parehas din na hirap sa buhay. Ang isa nga’y may sakit pa.” Minsan pang napasulyap si Kenneth sa matanda. “May sakit po ang isa niyong anak?” “Ang totoo ay naroon din siya sa Malvaro Hospital. Itinakbo nina Bryle daw kahapon dahil nahirapan na naman sa sakit nitong sakit sa kidney.” Kenneth pressed his lips together. “Iyon din siguro ang dahilan bakit nagawa ng anak ko ang bagay na iyon. Inisip niya rin ang kalagayan ng kaniyang kapatid. Kawawang mga anak ko,” pag-iiyak pa ni Aling Celia. “Wala po ba kayong alam na puwedeng tumulong sa inyo?” kunwa’y nakikisimpatya na tanong ni Kenneth, sapagkat ang totoo ay umaasa siyang wala ang isasagot sa kaniya ng matanda para sa mga plano niya. At ganoon na nga ang tuwa niya nang umiling nang sunod-sunod si Aling Celia. “Nagkandautang-utang na ako dahil sa kaniyang Kuya Isagani.” Lihim siyang napangisi habang nakatuon ulit ang tingin niya sa kalsada. Opportunities are now aligning in his favor. With a bit of patience and a well-laid plan, Leia will soon be completely his. “Paano po ‘yan? Eh, nasa ospital pa sina Leia at Lacey?” kunwari naman pang tanong ni Kenneth ng ilang minuto ang lumipas na pananahimik ng matandang katabi. “Hindi ko talaga alam, iho,” garalgal ang tinig na sagot nito sa kaniya. “Eh, baka po ‘yung parents ni Leia may magawa?” Umiling ulit ang matanda. “Kung hirap kami sa buhay ay ganoon din sina Balaeng Linda. Lahat kami ay minamalas sa buhay.” Muli ay nagbunyi ang kalooban ni Kenneth. “Buti naman!” lihim na usal niya sa sarili. Nararamdaman na niya talaga ang tagumpay na walang kahirap-hirap. Ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay na makasama bilang asawa si Leia. Saglit lang ay papasok na sila sa hospital, sinamahan niya muna si Aling Celia hanggang sa silid ni Lacey. At sa unang pagkakataon ay nakita na niya ang bata, ang anak ni Leia. Cute ang bata at mabait kaya sa tingin niya ay hindi siya mahihirapan na paamuhin ito. “Kumusta ka, Lacey?” “Okay lang po. Sino po kayo?” bibong tanong sa kaniya ng bata. Masigla ito kahit may mga sugat sa katawan dahil sa natamong sunog. “Ako si Kenneth. Kaibigan ako ng papa at mama mo. Puwede mo akong tawaging Tito Kenneth kung gusto mo at puwede tayong maging magkaibigan din kung gusto mo,” pakilala niya. “Nasaan na po sina Mama at Papa?” Biglang nalungkot ang bata. Nasa mukha nito ang pangungulila sa mga magulang. Nagkatinginan sina Kenneth at Aling Celia. “Um, Apo, may pinuntahan lang sila. Naghanap sila ng pera para makalabas ka na rito sa ospital,” si Aling Celia ang sumagot sa apo. “Ang tagal naman po nila, Lola,” inip na saad ng bata. Nakaramdam ng awa si Kenneth. Nakikita niya kasi kay Lacey si Leia. Magkamukhang-magkamukha ang mag-ina. “Lacey,” Kinuha niya ang kamay ng bata at hinaplos haplos, “huwag kang mag-alala at makikita mo rin si Mama mo.” “Kailan po? Malayo po bang lugar ang kinuhanan nila ng pera, Tito Kenneth?” Hindi agad nakaimik sina Kenneth. Sadyang bibo ang bata si Lacey kaya madaming tanong. “Hindi naman pero ang alam ko matatagalan pa sila. Sabi nga nila ay ako muna ang bahala sa ‘yo,” sinubukang palusot ni Kenneth. Naisip niya na hindi pa dapat malaman ni Lacey ang totoong nangyari kina Bryle at Leia. Saka na kapag nagkamalay na si Leia. “At alam mo ba sabi ng mama mo ay pagaling ka raw para pag-uwi niya ay magaling na magaling ka na at makapaglaro na kayo at makakapasyal na kayo sa mall. Bibili raw tayo ng maraming toys.” “Talaga po?” Sumigla na ulit ang bata. “Oo, Lacey. Saan mo ba gusto mamasyal at ano bang toys ang gusto mo?” Nag-isip ang bata “Sa MOA po? Maganda raw po doon, eh, sabi ng mga friend kong sina Kat at Audrey.” “Sa MOA? Sige, pupunta tayo doon pagdating ni Mama mo.” “Talaga po?” Na-excite na talaga ang bata. “Bibilhin niyo po ako ng barbie at doll house?” “Oo naman. Lahat ng toys na gusto mo ay bibilhin natin. Basta magpagaling ka, okay?” “Opo, Tito Kenneth. Sabihin mo po kay Mama magpapagaling po ako kaagad.” Ginulo ni Kenneth ang buhok sa tuktok ng bata. Natuwa na siya talaga rito. Katulad ni Leia ay hindi mahirap mahalin si Lacey. “Narinig mo ‘yon, Lola? Dadalhin daw ako ni Tito Kenneth sa MOA. May ikukuwento na rin ako sa mga kalaro ko. Hindi na ako iinggitin nina Kat at Audrey,” pagmamalaki pa ng bata sa lola niya. Alanganing ngumiti si Aling Celia sa apo at hinalikan niya ito sa noo bago tumingin kay Kenneth, tingin na may labis-labis na pasasalamat. Puno ng kasiyahan ang puso ni Kenneth na nilisan ang silid na iyon, pero sigurado siyang babalik pa siya roon dahil nagpunta pa siya sa admin ng ospital at sinabi niyang anuman ang kailangan ng bata ay sa kaniya na sasabihin. Charge na sa kaniya ang lahat ng gastusin tulad ni Leia. Siya na nga talaga ang bahala sa mag-ina. Salamat kay Bryle dahil ipinanganak na TANGA! “Sino po sila?” tanong sa kaniya ng babaeng nagbabantay sa kapatid ng Bryle nang sunod niya itong bisitahin. He offered the woman a smile, sweet yet carrying a secret agenda. “Kakilala po ba kayo ng asawa ko?” tanong pa ng babae. Umiling na siya. “Ako si Kenneth. Kaibigan ako ni Bryle.” “Ah, ganoon po ba.” “Kumusta ang kuya niya? Kayo po ba ang asawa?” “Ah, opo. Ako po si Anna.” Nangilid ang mga luha ng babae. “At hindi po okay ang asawa ko.” “I’m sorry to hear that, Misis,” kunwa’y pakikiramay niya. Ngumiti ang babae kahit na napaluha na. “Pasensya na po kayo.” Sinamantala ni Kenneth ang mabigat na damdamin ng babae. Hinugot niya ang kaniyang business card at iniabot dito. “Kapag may kailangan kayo ay tawagan niyo lang ako. Kahit ano.” “Po?” Nag-alangan ang babae. “Kasama ko rin kanina si Aling Celia. Siya ang nagsabi sa akin sa sitwasyon ngayon ni—” Hindi nga pala niya alam pa ang pangalan ng kapatid ni Bryle kaya natigil siya. “Isagani. Isagani Rojales po ang pangalan ng asawa ko,” na nahalata ni Anna kaya dugtong nito. “Um, yeah Isagani.” Mas ngumiti pa siya upang mapagtakpan ang kapalpakan. “Sige na. Kunin mo na ito para kapag may kailangan kayo ay matawagan mo ako. Nandito ang contacts ko.” Hindi na nag-inarte pa ang babae. Kinuha na nga nito ag business card niya. Walang kaalam-alam na patibong lang niya iyon. “Sige, tawag ka na lang,” paalam na niya pagkatapos. Isang ngiti pa ang iginawad niya rito at lumakad na. Tuwang-tuwa siya dahil mahahawakan niya rin pala ang leeg ng pamilya ni Bryle hindi lang pamilya ni Leia. Nag-e-enjoy na talaga siya sa nag-uumpisang laro nila. Ngayon niya na-realize na ang sarap pala ng may pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD