Don Carson's POV Hindi ko mapigilan na mapatingin ng masama sa mga papeles nang makitang mga complaints iyon ng mga share holders. Nagrereklamo sila ukol sa pangako kong pagpapalakas lalo ng kumpanya sa pamamagitan ng pagsasama ng kumpanya ko at ng mga Villacuerva. Pero dahilsa walanghiya kong apo ay hindi ito matuloy-tuloy. Ayokong basta magsama lang ang kumpanya namin ng walang koneksiyon sa isa sa miyembro ng pamilya ko. Maaaring mag-agawan sa kumpanya balang-araw at ayokong mangyari iyon. Pero kung ang magiging tagapagmana ay mapapakasal sa isa sa Villacuerva ay mapupunta rin sa amin ang lahat ng ito. At iyon ang gusto kong mangyari! Pero ang walanghiya kong apo ay walang pakikisama sa plano ko. Napakasarili nito at puro landi sa katawan ang pinaiiral. Walang utang na

