Keizha's POV Isang linggo na ang nakakalipas mula ng magpakita si Elijah sa akin. Pakiramdam ko ay madalas nasa tabi-tabi lang ito at nagmamasid. Marahil ay tumutupad ito sa pangako sa akin na hindi ito manggugulo at tatanawin lang kami mula sa malayo. Araw ng sabado ngayon at naisipan kong maglaba dahil bukas ay walang pasok sa construction si Aaden. Ayaw nitong may iba akong ginagawa kapag kasama ko ito. Gusto nitong laging nakayakap lang sa akin. Medyo may malaki na ang tiyan ko kaya maluluwag na damit na ang sinusuot ko. Naiisip pa rin ni Aaden na tumataba lang ako. Malapit na itong magtatlong buwan sabi sa health center na pinag-check-up-an ko. Ibang apelyido ang ginamit ko kapag nagpapa-check up para sa safety namin. Mainam at mayroon kaming washing m

