Keizha's POV Niyakap ko siya ng ubod higpit na parang ayokong malayo pa siya sa akin. Nananghalian na kami at kita ko ang panay nitong pagsulyap sa akin. " Bakit? " taka kong tanong dito. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko at naiisip na marahil at nakakatunog ito. " Wala naman! I just really love staring at your face. " may lambing sa mga ngiti nitong sagot sa akin. Tumango naman ako dito at ibig na naman mangilid ng mga luha ko. Ganoon ang panlalaki ng mga mata ko biglang sinakop ng dalawang palad nito ang magkabilang pisngi ko. " Aaden! Anong nangyayari? " ang lakas na ng tahip ng dibdib ko. " Umalis na tayo dito at magpakalayo pa. Kahit sa dulo ng Pilipinas o mundo pa. Wala akong pakiala

