Aaden's POV Pumatak na ang orasan sa ikalima ng hapon. Nakangiti akong hinubad ang damit na ginamit ko sa pagtatrabaho at sinuot ang damit ko na maayos. " Ngiting-ngiti ka, Brad! Mukhang may giyera na naman mangyayari sa kama ninyo huh? " napalingon ako sa nagsabi nito at napatingin sa anak ni Mang Isko na may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Napapailing na lang ako dito habang napapangiti. Sinaksak ko na sa bag lahat ng gamit ko kasama ang baunan at damit na hinubad. " Sabay na tayong umuwi para diretso tagay kapag nakauwi na. " nakangiti pa rin nitong sabi pero umiling ako dito. " Dadaan pa ako sa nagtitinda ng barbeque para i-ulam namin. Saka baka hindi muna ako iinom. Naglalambing kasi is Akei

