CHAPTER 7

2609 Words
"PARE, gising ka na ba?" Tinakpan ni Nathan ng unan ang ulo habang hawak ang cordless phone. "Byron, you're crazy!" aniya sa haggard na tinig dahil kagigising lang niya at wala pa siyang balak na bumangon. "It's Saturday and it's only seven in the morning. Give me a break, man!" "Its already eight, actually. At alam mong may affair tayo ngayon sa covered court ng Rancho Estate," pahayag nito sa kabilang linya. Ang affair na tinutukoy nito ay isang get-together ng mga residente ng Rancho Estate. Para naman daw magkakilala ang bawat naninirahan doon. It was a perfect opportunity to know his neighbors but right now was a bad timing. Ang gusto lang niyang gawin sa araw na iyon ay magbabad sa kanyang silid. "Pakisabi na lang kay Alec na may sakit ako kaya hindi ako makakadalo ngayon." "Oo. At pagkatapos ay diyan sa bahay mo ililipat ng kapatid niyang si Jersey ang party. Would you rather want that?" "No!" Napabalikwas siyang bigla. The one thing he didn't need at that moment was another nosy girl roaming around his house. Kaya nga siya nagsarili na ay dahil gusto na niyang makawala sa pangungulit ng kapatid niya. At hindi niya hahayaang makalapit man lang sa kanyang tahanan ang makulit na kapatid ng presidente ng homeowners association ng Rancho Estate. "Kung ganoon, maghanda ka na. Kadaraan lang ni Axel galing sa pagdya-jogging at sinabing pupunta rin siya. Si Thad ay ganoon din." "Oh, all right." Tuluyan na siyang tumayo. "Ano nga pala iyang naririnig kong ingay?" "Pressurized water. I'm washing my car. Wait, meron ka na bang ibabandera mamaya?" "Ibabandera?" "Oo. Alam mo namang ang gathering din na iyon ay hindi lang basta acquaintance party. Pasiklaban din ng mga girlfriends." "Gago! Ano'ng akala mo sa akin, makikigulo pa sa munting kompetisyong iyon? Come on, Byron, hindi na tayo bata." "Hey, pinaaalalahanan lang kita. Magkaibigan tayo kaya ayokong magmukha kang kawawa mamaya kung wala kang bitbit na chick." Saglit siyang nag-isip. "Nah. Magpapakita lang ako kay Alec and then magpapaalam na ako dahil gusto ko talagang magpahinga sa araw na ito." "Well, good luck at sana ay makumbinsi mo ang napakapormal na presidente nating iyon." "Image na talaga iyon ni Alec." Muli niyang sinulyapan ang kama, then decided to go back to sleep. "Paano, pare, kita na lang tayo mamaya?" Umungol lamang siya habang hinahayaang akitin siya ng malambot na kama sa pagtulog. Ang huling naramdaman niya ay ang pagbagsak ng kung ano mula sa kanyang kamay. Until another call woke him up. ******************************************************************************* "KUYA!" bungad ng matinis na tinig ni Xander. "Oh, no..." ungol ni Nathan. "Oh, yes. Punta ako riyan, ha?" Tuluyan nang nawala ang kanyang antok. "You can't." "Hmp! Ayaw mo lang talaga akong papuntahin diyan." Narinig niyang humikbi-hikbi ito. "Siguro ikanakahiya mo na ako, ano? Hindi mo na ako mahal." Naihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha. There goes her "poem" again. Pero hindi pa rin niya maiwasang maawa rito. "Xander, hindi ka maaaring pumunta rito dahil may activity ngayon ang Rancho Estate. Walang mag-aasikaso sa iyo." "Eh, di isama mo na lang ako. Sige na, Kuya, para naman makarating ako riyan." "You know my address. Kung gusto mong pumunta rito, kahit ayaw ko, alam kong wala akong magagawa." "Kilala mo rin ako, Kuya. Hindi ako pupunta riyan hangga't hindi ka pumapayag. May paggalang pa rin naman ako sa iyo kahit na minsan nagiging pakialamera ako." "Right." Bolera talaga ang kapatid niya. "So, payag ka na?" "The answer is still 'no.'" Nasisiguro niyang malaking g**o ang dala nito oras na patuntungin niya ito sa Rancho Estate; particularly in his house where no woman had ever been to. "Hmp. Ang sabihin mo may babae ka lang diyan kaya—" "Puwede ba, little sister? Ni wala nga akong ka-date para sa gathering mamaya." "Ikaw, mawawalan ng babae?" "Yes, if you must know." "Then kailangan mo nga ang tulong ko—" "Which will put me in trouble if I let you. So, bye, sis. May aasikasuhin pa ako." Pinatay na niya ang telepono bago pa ito makahirit. He walked by the window and looked out. Women. They always made his head ache. Pero hindi rin naman niya magawang lumayo sa mga ito. "Especially Samantha Adriano,"bulong niya habang unti-unting gumuguhit sa kanyang mga labi ang isang pilyongngiti. "That particular one is something." ***************************************************************************** KANINA pa nagtatagis ang mga bagang ni Sam. Mula nang pumasok ang BMW na dala niya sa malaking gate ng Rancho Estate ay hindi na siya mapakali. She shouldn't have come there. She always felt weird kapag nasa ganoon siyang mga lugar—places bursting with glamour and sophistication made her feel so awkward and out of place. Mabuti na lang at nakasakay siya sa heavily tinted car na iyon. Sinabi kasi sa kanya ni Christian na ipinahahatid na ng Kuya Roger nila ang kotse sa bahay ni Nathan. Busy raw kasi ang binata kaya hindi nito iyon magawang makuha nang personal sa talyer. Huminto siya sa tapat ng isang Western-style house na yari sa kahoy at salamin. Kunsabagay, lahat ng mga bahay roon ay yari sa ganoong mga materyales. Iba-iba nga lang ng design at kulay ngunit ang style ay pare-pareho. Kamukha ng mga bahay sa mga western movies na napapanood niya. Maganda, maaliwalas, at ang nasa harapan niya nang mga sandaling iyon ay very masculine ang dating dala marahil ng kulay niyong brown and black. "Tao nga po!" sigaw niya nang walang sumasagot sa kanyang doorbell. "May tao ba riyan?" Nang mainip ay inakyat na niya ang may-kababaang bakod. Pinto na mismo ng bahay ang kinatok niya. Nang bumukas iyon at iluwa ang isang guwapo ngunit nakakunot-noong mukha ng lalaki ay tila gusto na niyang tumalikod na lamang at kumaripas ng takbo palayo. Oh, boy! When will I be immuned to his immaculate good looks? "Gigibain mo ba ang ang bahay ko?" "I...ahm..." Now she was blabbering. "S-sorry." Nawala ang kunot sa noo nito at tumayo ito nang tuwid. Doon lamang niya napuna ang suot nito. She was used to seeing him in suits that his new outfit just made her stare at him like a fool.   Naka-white shirt ito na humahapit sa matitipuno nitong dibdib and a pair of faded jeans that snuggled perfectly into his long, lean legs. Naka-boots din ito at belt na may malaking buckle. And the Stetson on his head, plus the mean grin on his face, made him look like a real cowboy. "Satisfied?" tanong nito. "'Hope I passed the test." Oh, yeah, baby. You are a perfect cowboy from the west. Magsasalita na sana siya nang may dumaang sasakyan. Sabay nila iyong nilingon at nakita niyang kumaway sa kanila ang lalaking nagmamaneho niyon. "About time, Figueroa," sigaw ng lalaki. "Wala bang pangit dito sa lugar ninyo?" tanong niya nang wala na ang dumaang kotse. "Pati 'yong guard ninyo, hindi mukhang guard." "Ah, sa wakas ay umamin ka rin." "Na?" "Type mo ako." ngumisi pa ito. "Come with me for a while. Tutal naman ay hindi ka napigilan ng bakod ko." "Paano ako mapipigilan ng isang napakababang bakod? Besides, hindi ka naman kasi sumasagot—" "Kaya inakyat-bahay mo ako," pagtatapos nito sa sasabihin niya. Pagkuwan ay iginiya siya nito palabas ng gate. "Since tumapak ka sa pamamahay ko, kailangan mong magbayad." "What?!" Nagpumiglas siya ngunit napakahigpit ng hawak nito sa braso niya. "Ako na nga ang nagmagandang-loob na dalhin dito ang kotse mo, may kasalanan pa ako ngayon? Bitiwan mo nga ako!" "Can't do that. Besides, I didn't ask for my car, yet. Pero hayaan na muna natin ang kotse ko riyan. Come." "Ayoko!" Patuloy pa rin sila sa pagtatagisan ng lakas habang naglalakad. "I need a date." "Wala akong pakialam!" Papasok na sila noon sa isang covered court. Agad na napako sa kanila ang atensiyon ng mga taong naroroon kaya napatigil siya sa paghila ng braso mula rito. "Let me go or I'll scream." "Scream then," bulong nito. Ngunit nawalan na siya ng pagkakataong gawin iyon dahil agad silang napalibutan ng mga taong naroon, all dressed like cowboys and cowgirls. Muli siyang inatake ng matinding tensiyon dahil mga kilala sa lipunan ang mga nasa harap niya nang mga sandaling iyon. Ang iba nga roon ay na-interview na ng mga reporters na sinamahan niya noong nag-practicum siya sa isang news agency. "Hey, Nathan!" Isang babae ang lumapit sa kanila at bigla nitong siniko sa tagiliran si Nathan. "Jersey, cut it out." Iyon ang lalaking nakita niyang dumaan sa bahay ni Nathan. "Sorry, Figueroa. Hindi ko kasi naikadena 'yan ngayon, eh." "Hmp! Wala naman talaga akong balak pumunta rito kung hindi ko lang nalaman na may babaeng nakapasok sa bakuran mo, Nathan." Ngumiti ito saka tumingin sa kanya. The woman looked sexy in her outfit, ngunit ang kilos nito ay tila isa ito sa mga lalaki. "Hi! I'm Jersey Samaniego. This is my brother Alec," pakilala ng babae. "I'm Samantha Adriano. Pero 'Sam' na lang ang itawag mo sa akin." Medyo nabawasan ang nerbiyos niya sa ipinakikita nitong pagkagiliw sa kanya. At least, hindi naman pala lahat ng mayaman ay snob at matapobre na gaya ng akala niya. "Mabuti naman at nakahanap ng matinong girlfriend itong si Nathan. Akala ko hindi na iyan titigil sa kade-date ng kung sinu-sino, eh," anito. "H-ha?" "Jersey, tigilan mo nga ang bisita ni Nathan." Nilingon siya ni Alec. "Sorry about that." "Its okay," agaw ni Nathan. "Sabagay, totoo ang sinabi ng kapatid mo, Alec." "Yes! Sa wakas ay may sumang-ayon din sa akin," natutuwang sabi ni Jersey. Binalingan niya si Nathan. Ano ang ibig nitong ipakahulugan sa sinabi nito? Hindi na niya ito nagawang tanungin dahil hinila na siya ni Jersey palayo sa mga ito. Dalawang babae ang ipinakilala nito sa kanya. "This is Sapphire Agoncillo and Paradise Roque. Guys, this is Nathan's girlfriend." "I'm not—" Hindi na niya natatapos ang sasabihin. Namilog ang mga mata ni Sapphire. "Really? Well, its about time." "I agree, Sapphire," sabi naman ni Paradise. That was the second time she heard that comment. "About time to what?" tanong niya. Kinalimutan na muna niya ang pagkailang sa mga mayayaman. Mysteries made her blood pump, gumagana na naman kasi ang mga senses niya bilang journalist. "Its about time na lumagay na sa tahimik si Nathaniel Figueroa. He'd been playing the field for quite a long time now," wika ni Paradise. She choked on her drink. Lumagay na sa tahimik? Like marriage? "You're getting me wrong. I'm not Nathan's girlfriend," sabi niya. Tatlong pares ng mga mata ang biglang bumaling sa kanya. "You're not?" halos magkakapanabay na tanong ng mga ito. "Sorry." "Pero sabi ni Kuya, nakita ka raw niya sa bahay ni Nathan," kunot-noong pahayag ni Jersey. "I was returning his car. At kaya naman ako nandito ay dahil kinaladkad lang ako ng lalaking iyon." The three muttered a curse. "Men!" ani Jersey. "Bakit ka pumayag kung ganoon?" "I was here before I even knew it." "I hate to tell you this, Sam, but I think Nathan has every reason for bringing you here," ani Sapphire habang iginagala ang mga mata sa paligid. Sinundan niya ang tingin nito at nakitang halos lahat ng naroon ay may kapareha, lalo na ang mga lalaki. Mga sopistikada at halatang mayayaman ang mga babaeng naroon na masayang nakikipagkuwentuhan. "Did you know na halos lahat ng residente ng Rancho Estate are bachelors?" ani Jersey. "At lahat ay may reputasyon ng pagiging palikero. Kung hindi ko lang sila kilala na mababait, iisipin kong nagdala lang sila ng mga babae rito para magpasiklaban kung sino ang may pinaka-'the best' na girlfriend." "I need a date." Iyon ang mga kataga ni Nathan kanina. Bastard! At ako'y dinampot lang ng herodes na iyon para may mapagtawanan siya at ang mga kampon niya. I should have never come here in the first place. Umuusok ang taingang nagmartsa siya paalis ng lugar na iyon. "Hey, Sam! Where are you going?" habol ni Paradise. "Home. I don't belong here, Paradise." "Yeah. And so are we," sang-ayon naman ni Sapphire. Sumunod din dito si Jersey. Ang nangyari tuloy, apat silang nag-walk out sa gathering na iyon. Somehow, kahit na kilala sa alta-sosyedad ang mga ito at residente ng Rancho Estate ay hindi na siya gaanong nailang. Maybe because of their outfit na hindi nalalayo sa suot niyang jeans and T-shirt. Or probably because they were just nice. "Hmm, that feels great," mayamaya ay wika ni Sapphire. "Para akong nakawala sa kulungan." "Same here," sang-ayon ni Jersey. "Gusto ko sana kayong yayain sa bahay pero alam kong susugod doon si Kuya oras na malaman niyang nawawala tayo sa 'okasyon' nila. Magtatago muna ako." "Ako naman ay tatapusin ko pa ang nobela ko. Ikaw, Sam?" "Maghahanap ng trabaho. Gusto ko na kasing magamit ang course ko." "Ano ba ang kursong kinuha mo?' "Journalism." "Wow!" ani Sapphire. "Bigatin ang course mo, ah. Teka, balita ko dito nakatira si Byron Ledesma. Iyong magaling na columnist at publisher ng isang broadsheet, 'di ba, Paradise?" "Yeah. Although hindi ko siya napansin doon sa covered court. Hey, why don't you try his company, Sam? Maganda naman ang reputasyon niya bilang columnist and publisher." "Thanks. I'll try it." Medyo nagkakuwentuhan pa sila habang naglalakad hanggang sa isa-isa na silang naghiwa-hiwalay. Diretso pa rin ang lakad niya. She felt better dahil kahit papaano ay may maganda namang ibinunga ang pagmumukha niyang tanga sa harap ni Nathaniel Figueroa. Mayamaya ay napansin niya ang isang BMW na umaagapay sa paglalakad niya. Speaking of the devil. "Sam, bakit ka biglang umalis?" "Bakit, kinantiyawan ka ba ng mga kaibigan mo dahil wala kang naibanderang magandang ka-date?" akusa niya rito. "What are you talking about?" Iniharang nito ang sasakyan sa daraanan niya. "Dinala kita roon dahil akala ko ay mag-e-enjoy kang makasalamuha ang mga kakilala ko." "Correction, kinaladkad mo ako roon. At saka, bakit ko naman nanaisin na makilala ang mga taong gaya mo? As you imply it, you have your own world. So, I have mine." Nakatayo na ito sa harap niya at tinititigan siya nang husto. Hindi siya yumuko. Bagkus, hinamon pa niya ang mga titig nito. "That's true," sagot nito. "I will always remember that." And hope that I will, too. "I'll take you home. Alam kong wala kang dalang sasakyan nang magpunta ka rito." "Huwag na. Kaya ko namang umuwi nang mag-isa. Bumalik ka na lang doon sa kasayahan ninyo." Umiling ito. "Kung talagang gusto mo nang umuwi, ihahatid na kita. Para na rin maibalik ko ulit ang kotse sa talyer ng kuya mo. I think it still needs a little furnishing." Biglang nahagip ng kanyang tingin ang tagiliran ng BMW. Nagtatakang lumapit siya roon nang makita ang mumunti pang gasgas sa gilid niyon. "Ano'ng nangyari?" tanong niya, mostly to herself than to Nathan. "Sabi ni Christian, ipinahahatid na raw ito sa iyo ni Kuya Roger, upon your request. Kilala kong magaling na mekaniko si Kuya at hindi iyon pabaya." "There must be some mistake," anito. "Maaaring ibang sasakyan ang tinutukoy niya at ang kotse ko ang napagkamalan ng Christian na sinasabi mo." "I'm sorry about this—" "That's okay. Come on. I'll take you home." Kahit naiinis siya rito ay hindi na siya tumutol. Wala silang kibuan habang papunta sila sa bahay niya. Nang mga sandaling iyon ay okupado ang isip niya ng mga napag-usapan nila nina Jersey. Somehow, iritado siya sa kaalamang dinala lamang siya sa pagtitipong iyon ni Nathan dahil wala itong ibang choice na date. Siguro, kung may ibang babaeng nasa harapan nito nang mga sandaling iyon, hindi siya nito papansinin. Kahihinto pa lamang ng kotse nito sa harap ng talyer ng kuya niya nang mapansin niya ang dalawang nilalang na masayang naghaharutan habang naglalakad. Kunot-noong nagkatinginan sila ni Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD