"NAPAKAHUSAY mo talaga, sister! Biruin mo, nagawan mo ng paraan na magkita ulit sina Ate Sam at ang Kuya Nathan mo, nakapag-shopping pa tayo," tili ni Christian habang naglalakad sila ni Andi pauwi sa bahay nito.
"Sabi naman sa iyo, eh. Relax ka lang at ako'ng bahala sa lahat. Kita mo naman, noong hindi pa rin naakit ni Ate Sam si Kuya nang nagtungo sila sa mall ay nakagawa pa rin ako ng paraan upang magkasama muli sila."
Marahil, nang mga sandaling iyon ay naglalambingan na ang kuya niya at si Sam. Knowing her brother, he would not pass a chance to be with a beautiful lady.
Tiningnan niya si Christian. And she liked it. Crush niya naman kasi ang lokong ito kahit lalambut-lambot. Guwapo naman ito. She could flirt with him and it wouldn't be obvious, and without feeling cheap. Baka makita na rin siya nito bilang "girl" and not his "sister."
"Hey, wala ba akong kiss para sa katalinuhan ko?" nakangiting tanong niya rito.
"Kadiri ka talaga."
"Sige na, pogi."
Ngunit nakalayo na agad ito sa kanya at nabunggo ang isang—
Uh-oh. Lagot na sila!
"SAAN kayo pupuntang dalawa?"
Saklit-saklit ni Nathan sa braso sina Christian at Andi.
"Or rather, saan kayo nagpunta?" nakahalukipkip na tanong ni Sam sa mga ito.
"K-kuya, ano kasi..." nakangiwing sabi ni Andi.
"Kuya?" Nanlalaki ang mga matang binalingan niya si Nathan. "Andi is your sister?"
"Ate..."
"Shut up, Christian!"
"Christian?" Si Nathan naman ngayon ang kunot ang noo habang sinusuri ng tingin ang kanyang kapatid mula ulo hanggang paa. "He's your brother?"
"Kuya, teka muna—"
"Anong teka muna?" singhal nito sa kapatid. "You better have an explanation, young lady. Get in the car."
"P-pero—"
"Now, Xander!"
Nang makaalis ang mga ito, si Christian naman ang hinarap niya. And she couldn't help but smile at his nervousness.
"Huminga ka, Christian, at baka himatayin ka riyan."
"H-hindi ka galit?"
"Well... not really."
Pinasadahan niya ng tingin ang polo shirt nitong suot at baggy pants. Mula nang maging kaibigan nito si Andi ay unti-unti niyang napapansin ang pagbabago rito. She had high hopes na magiging straight na ito. Kung kinakailangang ipagtulakan niya ang mga ito sa isa't isa ay gagawin niya masiguro lamang niyang titino na ito.
Lumapad ang kanyang ngiti. I'm a genius!
*******************************************************************************
SA MANSIYON ng pamilya dinala ni Nathan si Xander. Nagkataon namang wala roon ang mga magulang nila kaya puwede niya itong mapagsabihan.
"Ano bang insekto ang pumasok diyan sa kukote mo, ha? I know you were setting me up with Sam."
"Oy, kuya, masama ang magbintang."
"Bintang? Ano'ng akala mo sa akin, bingi at tanga? I heard what you said, Xander. Ang pagkikita namin ni Sam sa mall noong nakaraang linggo ay hindi aksidente. And I suppose kagagawan rin ninyo kung bakit lumitaw sa Rancho Estate si Sam after I talked to you on the phone."
"Eh...naisip ko lang naman na it would be good for you."
"Good for me?" Pakiramdam niya ay mapuputulan na siya ng litid sa sobrang panggigigil dito. "How the hell do you know what's good for me? You're merely a child, Xander."
Diretso siya nitong tiningnan. He had hated that look since the start. Alam kasi niyang kapag ganoon ito kaseryoso ay may binabalak itong hindi niya magugustuhan.
"Stop it, Xander."
Inismiran lamang siya nito.
"Napakapakialamero mo talagang bata ka! Ano ba ang gagawin ko sa iyo, ha?"
"Mag-stick ka sa isang babae."
"That is none of your business, little sister," matatag niyang sagot. "Hindi na dapat pinakikialaman ang mga bagay na wala ka pang alam."
"Pero napakarami mo nang naging girlfriends!" sigaw nito. "Akala mo ba hindi ako apektado ng mga ginagawa mo, Kuya? Lagi na lang akong inaasar ng mga kaklase ko." Namaluktot ito sa sofa. "Mabuti pa si Christian, nakikisimpatya sa akin."
Natigilan siya. He didn't know na big deal dito ang hindi niya pagkakaroon ng steady girlfriend. At kahit naman madalas siyang napipikon rito, he still wouldn't want his only sister's social life be affected because of him.
Tinabihan niya ito sa sofa at hinaplus-haplos ang buhok nito. "Pasensiya na. Hindi ko alam, eh."
"I don't really care kahit ano pa ang sabihin sa akin ng ibang tao, Kuya. Ikaw pa rin ang concern ko."
"Xander, hindi ko na alam ang itatawag ko sa iyo," aniya na hindi mapigilan ang pagngiti. "Ano ba talaga ang gusto mo, ha?"
"Isa na lang kasi dapat ang maging girlfriend mo."
"Xander, alam mo namang hindi ko puwedeng iwasan na lang sila basta-basta. They come to me. besides, okay naman silang company."
"Pero ginagamit ka lang nila, Kuya. Lumalapit sila sa iyo dahil mga ambisyosa sila."
Napabuntong-hininga siya. That was what everybody thought. Ang hindi nila alam ay may sarili rin siyang agenda sa pakikipagrelasyon. Kapag natatapos ang relasyon niya sa isang babae, he would let them announce to the world that they had dumped him. Para na rin bigyan sila ng grand exit sa buhay niya.
At dahil naging bahagi sila ng buhay ni Nathaniel Figueroa, the media would focus on them, too. They would have their share of the limelight.
Kabisado na niya ang paraan ng mga babae upang makarating sa itaas. So, he played their own game. He was not the innocent guy the world knew. He would never be an innocent guy para sa mga babaeng oportunista.
"That's still not your concern, Xander." Tumayo na siya at inayos ang suot na amerikana. "For the last time, don't interfere with my life, got that?"
"Loud and clear." She stood up. "Ano'ng tingin mo kay Ate Sam?"
"What about her?"
"Just answer my question."
"Maria Alexander Figueroa, mamili ka...you'll leave me alone or I'm going to send you back to California?"
"Does that mean you like her?"
Ang kulit talaga! "That means 'shut up.'" He marched to the door. "And, oh, stay away from that Christian guy... or gay... or whatever."
"He's my friend."
"He's your conspirator kaya ayokong magdididikit ka sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Hindi ito sumagot. Tumuloy na siya sa paglabas ng pinto. He wanted to escape from his sister's scrutinizing eyes. She was just sixteen years old but already a potential next Hitler. At nakahanap pa ito ng isang Cruella de Vil—si Christian.
Kung ang mga ito ang kabataan ngayon, the world had no future.
Kaya kailangan niyang makausap si Sam. Ngunit masyado siyang naging busy nang araw na iyon kaya gabi na nang maalala niyang may importante pa pala siyang dapat gawin.
He picked up the phone and dialed Sam's number.