CHAPTER 10

1312 Words
"O, SAMANTHA, mabuti naman at nandito ka na," anang kanyang ama. "Kanina ka pa hinihintay nitong si Francis, eh." Naikuwento na kasi niya rito ang tungkol sa pagkikita nilang muli ng dating kababata at kapitbahay. "At siyanga pala, anak, may tumawag dito kaninang wala ka." Bigla ang sikdo ng kaba sa kanyang dibdib. Could it be— "Byron Ledesma raw. Ipinasasabi niyang mag-report ka na raw sa opisina niya bukas. Naroon sa silid mo iyong message na iniwan niya." She should be happy dahil natanggap siya bilang correspondent ng broadsheet ni Byron Ledesma. Matutupad na rin ang pangarap niyang magtrabaho according to her chosen career. Pero ewan ba niya kung bakit parang disappointed siya. Asa ka pang tatawagan ka ni Nathan, sermon niya sa sarili. Nang umalis ang ama ay agad niyang hinarap ang bisita. "Hey, napadalaw ka?" bati niya kay Francis. "Nagkita kasi kami ng daddy mo sa Toyota Car Center. Malapit lang naman daw ang bahay ninyo kaya niyaya na niya ako rito." Malalagkit ang tinging ipinupukol nito sa kanya kaya medyo nakakunot ang kanyang noo. "Kumusta ka na?" "Okay lang kahit busy sa paghahanap ng trabaho at paghahanda sa graduation. Ikaw?" "Mas mabuti na ngayong nasilayan na kita ulit," nakangiti nitong wika. Lalong kumunot ang kanyang noo. "Ganoon ba? Eh, kumain ka na ba? May—" "Huwag ka nang mag-abala. Mag-usap na lang tayo rito." I would rather eat those nasty green vegetables again. "Lalo kang gumaganda, Sammy. I hope hindi mo mamasamain kung mapapadalas ang dalaw ko sa iyo." "Ha?" Oh, no. "Ah... eh..." "Noon, sinabi ko sa iyong liligawan kita, 'di ba? Ayaw mong pumayag dahil mga bata pa tayo. Well, siguro naman ngayon ay maaari na?" Yikes! No way. Nagugulat siya sa bilis nitong dumiga. "Eh...alam mo, Francis, medyo may katagalan na rin iyon—meron ba talaga akong sinabing ganoon?" "I'm willing to help you remember it, Sammy. If you'll just let met." "Remember what?" came the booming voice. Sabay silang napalingon sa nagsalita. And from the time since they met, tila gusto niyang lumuhod at yakapin ang mga binti ni Nathan nang mga sandaling iyon dahil sa bigla nitong pagsulpot. Ang tanging pumigil sa kanya upang gawin iyon ay ang hitsura nito. He was still strikingly handsome but his expression seemed grave. "Pare, hindi ikaw ang kinakausap ko kaya kung puwede lang, huwag kang makisali sa usapan ng may usapan," ganti ni Francis. Ngunit sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat lang si Nathan at saka nakapamulsang sumandig sa hamba ng pintuan. "Ah...may kailangan ka ba, Nathan?" tanong niya rito. "Meron sana, kaya lang mukhang busy ka pa. Babalik na lang ako." saka ito tumalikod palabas. Gusto niya itong habulin at pigilang huwag umalis ngunit nakalabas na ito. So much for my knight-in-shining-armor illusion. Tumunog ang cellphone ni Francis at saglit itong nakipag-usap sa tumawag. Habang siya naman ay abala sa pag-iisip ng kung anu-anong bagay na gusto niyang gawin kay Nathan dahil sa pang-iiwan nito sa kanya. "Sammy, magpapaalam na rin ako. May meeting pa kasi ako sa isa kong kliyente," wika nito. "Babalik na lang ulit ako sa ibang araw." Lumilipad pa rin ang kanyang utak kaya hindi na siya nakapag-react nang bigla nitong gagapin ang kamay niya. "Araw-araw akong pupunta rito upang masilayan lamang ang iyong kagandahan, Sammy." "Ang tiyaga mo naman," anang tinig. Nang mga sandaling iyon, halos distorted na ang kanyang mukha sa sobrang simangot nang balingan ang nagsalita sa may pintuan. "Akala ko, umalis ka na," Francis demanded. Nilapitan ito ni Nathan. "Sabi ko babalik na lang ako, so I'm here. Ikaw ang narinig kong nagpaalam na kaya bakit nandito ka pa?" kalmante nitong wika. "There's the gate. I opened it for you." Nagsukatan ng tingin ang dalawa. But when she caught Nathan's attention, she eyed him curiously. Physically, lamang ito in every aspect kay Francis. And she really admired his cultured poise. Dignified pa ring kumilos kahit galit. Galit Si Nathan? Kay Francis? But why? "Sandali. I know you're Nathaniel Figueroa pero sino ka ba sa buhay ni Sammy?" tanong dito ni Francis. "That's none of your business," sagot nito. "At ikaw, hindi ka pa nga nag-uumpisang manligaw, umaabuso ka na." Matalim siya nitong tiningnan at saka dumako sa magkahugpong pa rin nilang kamay ni Francis. Agad siyang bumitaw. "Umuwi ka na, pare, baka hinahanap ka na ng nanay mo." Sa pagkakataong iyon ay pumagitan na siya sa mga ito. "Okay, that's it." Iginiya niya si Francis patungo sa pintuan. At bago lumabas ay nilingon muna niya si Nathan. "And you, huwag kang ngingisi-ngisi riyan. Hindi pa tayo tapos." Lalo lamang lumapad ang ngiti nito na tila ba nanalo sa isang paligsahan. Inihatid niya si Francis hanggang sa gate at matapos magpaumanhin dito ay bumalik na siya sa loob. Naabutan niyang nakaharang si Nathan sa pintuan, a smile was still on his lips. "What is wrong with you?" "Nothing. I just helped you kick him out, didn't I?" "What? At kailan ko pa kinailangan ang tulong mo?" "Kanina." "Nathan, you're acting weird." "And you're being careless. Bakit nagpapapasok ng mga taong hindi mo kilala sa bahay ninyo? Kung masamang tao ang lalaking iyon, di napahamak ka na?" Tuluyan na siyang nagulat sa sinabi nito. At kailan pa nito naging concern ang kaligtasan niya? Matagal siya nitong tinitigan ngunit wala siyang balak na magpatalo rito. Hindi siya sanay na pinangungunahan ang kanyang bawat galaw. Sinalubong niya ang mga mata nito. Lumapit pa ito lalo sa kanya. Noon niya napagtantong hindi totoo ang sinabi ni Nora Aunor na walang himala. Because the lordly Nathaniel Figueroa slowly bent down his head. "I'm sorry," bulong nito na biglang umatras. "Naguguluhan lang ako dahil nagtampo sa akin si Xander noong isang araw at hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong kausapin." Kumurap-kurap siya. Totoo ba ang kanyang nakikita at naririnig? Ang aroganteng lalaking nakilala niya noon ay tila biglang nawala. "Well, you should be sorry," aniya nang makabawi. "At iyang issue nga pala ni Andi. Sinabi mo noon na dapat kong tanggapin ang anumang maging desisyon ng kapatid ko oras na hindi magtagumpay ang plano natin. Don't you think you should give your sister a little more understanding and freedom? Malaki na si Andi. Kaya na siguro niyang mag-decide kung ano ang mabuti o masama sa kanya." "Pero paano kung magkamali siya?" "That's why you're her brother, Nathan. Para may magtama sa kanya. Let her do her thing. Magsasawa rin iyon." Bumuntong-hininga ito saka siya muling tinitigan nang matiim. She felt her heart skip a beat. Bakit bigla siyang kinabahan sa mga titig lang nito? Gutom lang siguro siya kaya kung anu-ano na ang kanyang iniisip. "Hindi na gaanong hinahanap ni Xander ang kapatid mo. Mukhang effective ang plano natin dahil si Miguel na ang lagi niyang kasama ngayon." Si Miguel ang nakababatang kapatid ni Thad na kinontrata nila para ligawan kunwari si Andi. "Mukha nga. Dahil mula nang pagplanuhan natin iyon ay ngayon na ulit tayo nagkita." At kahit anong pagtanggi ang gawin niya, she missed him. "Isa pa, parang nagseselos na ang bruho kong kapatid. Marunong na siyang ma-bad trip ngayon." "That's good news," nakangiti nitong wika. "So, mission accomplished?" Inilahad nito ang palad at tinanggap naman niya iyon. "Mission accomplished. Ibig sabihin niyan ay hindi ka na mabubuwisit sa mukha kong ito dahil baka madalang na tayong magkita." "At hindi ka na rin maaasar sa mga pakikialam ko." Sandali silang nagkatawanan ngunit nang mapansing magkasalikop pa rin ang kanilang mga kamay ay bigla silang nagbitaw pareho na tila sila napaso. "Ahm... I better be going. Pupuntahan ko si Xander sa bahay nina Mama." "S-sige. Ingat ka na lang." Watching him walk down the pathway, parang may estrangherong damdamin siyang naramdaman. Na para bang may kinuha itong napakahalagang bagay mula sa kanya at kailangan niya itong habulin at kunin muli rito. But instead, she just remained standing habang sinusundan niya ito ng tanaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD