“Knock! Knock! Knock!” Tatlong katok mula sa labas ng pintuan ng opisina ni Ghana ang nakapag-agaw ng kanyang atensiyons. Tinaas niya ang kanyang ulo upang salubungin ng tingin kung sino man ito. Umikot ang hawakan ng pintuan at tsaka dahan-dahan itong nagbukas. “Good afternoon Miss Lequin,” magalang na bati ng sekretarya ng CEO. “Maupo ka muna. What brought you here Miss Viloria?” propesuyinal na pagatatanong ng modelo. Hindi niya maiwasang batikusin sa kanyang isipan ang suot nitong maiksing skirts at medyo low cut v-neck na pang-itaas nito. Litaw na litaw ang mahahaba nitong mga binti pati na rin ang hindi maitatangging kalakihan ng hinaharap nito. For once, medyo nakaramdam ng insecurities ang dalaga. Maganda naman siya at may katamtamang hubog ng katawan. Sadyang nakalalamang lang