Two Months Later... "YOU'RE FREE." Nahinto sa pagsusuot ng coat si Sire ng marinig ang sinabing iyon ng kanyang inang si Feliz. May kunot sa noo nang harapin niya ito. "Ano po'ng ibig niyong sabihin?" Pinilit nitong ngumiti. "Mula ngayon ay malaya ka na. Wala ng kasalan na magaganap sa pagitan ninyo ni Elena Jimenez. Binawi na ng Lola Paula niya ang kasunduan nila ng Lola Letty mo. Wala namang magagawa pa ang lola mo kung iyon ang desisyon ng kabilang panig." Tama ba ang narinig niya? "Paanong..." "Ikakasal ngayong taon ang isa sa apo ni Doña Paula kaya naman hinayaan na si Elena na magdesisyon ng kanya. At ikaw naman, bahala ka na raw kung gusto mong maging matandang binata sabi ng lola mo. Alam ko naman na tampo siya sa palpak na fix marriage na ito. And mind you, hijo, that you're