"Ate Ashlene, mahilig po si Ate JL sa prutas. Ayaw niya ng gulay. Kumakain man siya ng gulay pero sitaw lang. Mahilig din siya sa pink na color. Uhm... Ano pa ba? Ah, ito pa pala, Ate, hindi siya mahilig sa hayop. Kahit na anong uri ng alaga lalo na sa aso. Nagka-trauma na kasi siya noong bata kami. Nakagat siya ng aso. Ano pa ba?” Napapakagat-labi si Marjorie. Nahihirapan siya sa pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa kapatid niya gawa nga na matagal na nawalay sa kanila si JL noon dahil sa pag-a-abroad. “Eh, ano ang mga tawag niya sa inyo? Like sa nanay niyo. Mama? Nanay?” tanong ni Ashlene na naman kay Marjorie. Narito na siya ngayon sa Pilipinas. Kadarating lang niya at palabas pa lang siya sa airport. Agad siyang sumakay sa taxing talagang nakapila sa labas ng paliparan. Finally,

