“Marjorie…” “Ate…” Napatingin si Marjorie sa Ate Ashlene niya. Gising na pala ito. Ibinaba niya ang librong binabasa at nilapitan ito. Dahan-dahang umupo si Ashlene sa kama ng clinic kung saan nananatili siya pansamantala. Ilang weeks din ang hihintayin bago tanggalin ang benda niya sa mukha. Wala na masyado ang kirot kaya nakakapagsalita na siya. Isang linggo na kasi ang nakakalipas simula naoperahan siya, at awa ng Diyos ay wala namang naging problema. “Puwede ba tayong mag-usap, Marjorie?” “Oo naman, Ate.” Ngumiti si Ashlene. Kinuha naman ni Marjorie ang isang plastik na upuan at umupo ro’n, paharap kay Ashlene. Nagtaka nga lang siya konti nang kunin ni Ashlene ang isa niyang kamay at madamdamin na hinawakan nang mahigpit. “Marjorie, nagtitiwala ka pa rin ba sa akin?” panimula ni

