"Mabuti naman at umuwi ka na,” nasiyahang bigkas ni Aling Susan nang makita ang bunsong anak sa loob ng kanilang family house. Ang nanlalata nitong mukha kanina ay nagliwanag na kahit paano. Prenteng nakaupo si Darren sa kanilang L-shaped sofa. Ngunit dahil seryosong-seryoso ang mukha nito ay mahahalata na badtrip ito. His jaw was visibly clenched. “Ayos ka lang ba, Darren?” At napansin iyon ng ginang. Darren chose not to respond to his mother; instead, he directed a fiery glare at his brother. Masama rin ang naging tingin ni Jonathan sa kapatid. Nagtataka siya sa presensya nito sa bahay nila gayong na kay Aling Marcelina ang katapatan nito ayon na rin sa inasal nito sa mga nagdaang araw. Gusto rin niyang komprontahin agad ang kapatid, pero mas pinili niyang alalayan muna ang ina nila

