"Aalis ka na naman?” galit na tanong ni JL sa kanya. Nakita siya kasing nag-e-empake ng gamit pagpasok nito sa silid. “I will be gone for a few days. We will look for Ashlene in Samar. Kasama ko si Darren,” matabang na sagot ni Jonathan na hindi tumitingin kay JL. Simula noon ay hindi na niya magawang tingnan ang babaeng sumira sa pamilya niya. Aminado siyang natukso siya rito pero hindi na iyon mauulit pa. Galit siya sa kanyang sarili, pero mas galit siya kay JL. Lalo na ngayon na na-realize pa niya na ang lahat ng nangyari ay parang plinano ni JL. “Kalimutan mo na kasi ang babaeng ‘yon! Nagpapagod ka lang sa paghahanap sa kanya!” bulyaw ni JL. “JL, please, ayoko ng away ngayon.” Minadali niya ang paglagay sa mga gamit niya sa maleta. “Pwes, huwag kang umalis!” Lumapit si JL at gigil

