"Sabing palabasin mo ang babaeng ‘yan!” bulyaw ni Aling Susan sa guwardiya. Hindi nito hinahayaang makapasok sa bahay nila si JL. Nagulat na lang ang ginang nang dumating si JL sa kanilang family house tapos ay ipinagsisigawan na buntis daw ito at si Jonathan ang ama. Hindi naniniwala si Aling Susan na buntis ang babae ng kanyang anak. Kabisado na niya ang kilaw ng bituka ng mga kabit. Gagawin nila ang lahat para sila ang magwagi. Kadalasan nagpapanggap silang buntis upang hindi maiwanan, katulad na lamang sa mga napapanood sa mga telenovela. “Ayaw niyo akong paniwalaan?! Sige ipa-checkup niyo ako ngayon din sa lahat ng mga doktor dito sa Pilipinas para maniwala kayo na dinadala ko ang kadugo niyo’t kalaman niyo,” matatag na hamon naman ni JL. “We will never believe you again, JL, kaya

