"Kuya, nakita ko talaga si Marjorie sa taxing ‘yon! Believe me!” giit ni Darren sa kapatid. He was sure of what he saw, but his sibling doubted him. “Si Marjorie talaga iyon dahil nagkatinginan pa nga kami!” “Baka naman namalikmata ka lang,” sabi pa rin ni Jonathan. “No. I’m not stupid, and I’m definitely not blind. Siya talaga iyon. Bakit kasi pinigilan mo ako? Eh, di sana nahabol ko siya. Eh, di sana kasama na natin ngayon ang mga babaeng mahal natin. Sinayang mo ang pagkakataon!” paninisi niya sa kapatid. Inis na inis siya. Sobrang panghihinayang niya dahil mahahabol niya dapat ang taxi. Pinigilan kasi siya ng kapatid. Nagmatigas ang kanyang Kuya Jonathan na hindi raw si Marjorie iyon. Hindi na nakaimik si Jonathan. Hindi niya iyon sinasadya. Nabigla lang siya. Hindi nga niya alam ku

