SOBRANG SAKIT NANG nararamdaman ni Rosallia ngayon. Animo'y pasan niya ang lahat ng problema sa mundong ibabaw. Gusto na rin niyang mawala, hindi niya kaya. Una, namatay ang itay niya, pangalawa, namatay naman si Manang Alice, at pangatlo, namatay naman ang inay niya. Sobrang sakit nang nararamdaman niya. Bakit kung sino pa ang mga mahal niya ay ito pa ang mga nawawala? Bakit hindi na lang ang mga kagaya ni Emily, Ma'am Madett, at masasamang tao ang nawawala? Luhang-luha si Rosallia ng mga oras na papasok siya ng bahay. Kasabay nang pagpasok niya, ay ang pagbaba naman ng nanay Julietta niya sa hagdan. "Bakit ka umiiyak, anak?" nagtataka nitong tanong saka mabilis na lumapit sa kaniya. Tumingin siya rito habang umiiyak. "Ang inay ko po, a-a-ang nag-aruga sa akin nang matagal, w-wala na po