"BASED ON OUR imbestigation, 12 hours nang nakalutang ang matanda sa swimming pool. Sinubukan naming maghanap ng ebidensya kung sino ang gumawa noon pero wala kaming mahanap. The crime is clean, halatang pinagplanuhan ang pagpatay sa matanda. Maiwan ko po muna kayo rito, susubukan pa naming mag-imbestiga," anang pulis sa kanila saka bumalik sa loob ng mansiyon upang ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa kaso ni Manang Alice. Nasa labas ng mansiyon si Rosallia kasama si Ma'am Julietta, Sir. Nathan na kakarating lang, Manong Bernard at Gabriel, at saka si Kuya Albert. Namamaga ang mga mata ni Rosallia dahil doon. Kanina pa siyang iyak nang iyak dahil sa sinapit ng kawawang matanda. Sino naman kaya ang gumawa noon dito? Kung sino man, wala siyang halang at puso. Pero may isa nang tinitingnan si