HUMIHIKBING pinalis ni Carmina ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Kasalukuyan siyang nasa maliit nilang silid at nakaupo sa banig. Dahil sa naging usapan nila ni Gabriel ay tila naging doble ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang puso. Kung puwede nga lang buksan ang dibdib niya at kunin ang puso sa loob ay ginawa na niya. Hirap na hirap na siya sa sakit na nararamdaman. Malakas na kumidlat sa labas ng bahay nila at pumasok ang lamig ng hangin mula sa nakabukas na bintana. Tumayo siya at mabilis itong sinarada bago muling naupo at tuluyang nahiga. Aaminin niyang nasaktan siya sa sinabi kanina ni Gabriel, pero wala na yatang mas sasakit pa sa panoorin itong maglakad palayo sa kaniya. Gustuhin man niyang pigilan ito, hindi niya iyon kayang gawin. Hindi naman kasi ganoon kadali pi