Chapter Forty-nine

2761 Words

MARIING lumunok si Carmina nang makita ang simpaticong mukha ng lalaking buong araw na yatang laman ng isip niya. Matalim man ay bakas pa rin sa mga mata nito ang pangungulila habang tinititigan siya. Pinilit niyang alisin ang paningin at ituon ang pansin sa bartender na papalapit sa kinaroroonan niya dala ang juice na in-order. Mabilis siyang nagbayad rito nang makuha iyon. Paalis na sana siya mula sa counter nang biglang lumapit ang isang lalaki sa mismong tapat niya. Dahil sa biglaang pagsulpot nito ay hindi na niya naiwas mula rito ang hawak na baso. Nabuhos iyon sa suot nitong trousers. "Naku! P-pasensiya na, sir! Kayo kasi bigla na lang kayo sumusulpot, e!" Mabilis niyang nilapag ang baso ng juice sa countertop at hinarap ang lalaki. Natigilan siya nang mapagmasdan mabuti ang mukha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD