Chapter Forty-eight

2871 Words

TULUYANG napaupo sa sahig si Carmina matapos isara ang pinto sa kaniyang likod. Nakatakip ang isang kamay sa mga labi ay hinayaan niyang bumuhos ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Si Betla man ay hindi na rin napigilan ang sarili at napaluha na lang sa nakikitang sitwasiyon niya. Iyon ang unang beses na nagmahal siya. At kung alam lang niya na ganoon kasakit ang umibig, sana pala ay nakontento na lang siya sa mundo nila. Sana ay hindi na siya naghangad ng isang Gabriel Arellano. Umpisa pa lang, alam niyang wala nang patutunguhan ngunit pinilit pa rin niya. Umasa siya at pinaglaban ang piping bulong ng pusong si Gabriel lamang ang itinitibok. "Inaanak... " Nilapitan siya ni Betla at hinagod ang kaniyang likod. Nanginginig ang mga kamay na yumakap siya sa matandang baklang itinuring

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD