Chapter Fifty-one

2543 Words

ILANG beses sinubukang kumawala ni Carmina mula sa pagkakapasan sa kaniya ni Gabriel, ngunit kahit anong sigaw at pagpumiglas ay hindi ito natinag. Hindi hamak kasi na mas malakas ito kaysa sa kaniya, lalo pa sa laki ng katawan nito. "Ibaba mo na ako, Gabriel! Pagod na pagod na ako!" muli niyang tili at ikiniway na naman ang mga paa. Narinig niya ang mahinang tawa ni Gabriel. "Pasan kita kaya paano ka mapapagod? Ako nga ang dapat na mapagod dahil napakabigat mo." "Ano'ng sinabi mo! Hoy! Hindi ako mabigat!" Muli siyang tumili. Nailing na lamang si Gabriel. "Hindi? Subukan mong buhatin ang sarili mo. Para akong nagbuhat ng tatlong sako ng bigas." "Buwiset ka talagang lalaki ka! Ibaba mo na kasi ako, ano ba!" Nang tuluyan siya nitong ibaba ay kapwa sila pagod at humihingal. Siya mula sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD