NAIBABA ni Gabriel ang hawak nitong selpon nang tuluyan niyang buksan ang pintuan at magsalubong ang mga mata nila. Halata sa mukha niya ang pinaghalong galit at sakit na naramdaman dahil sa narinig. Mabilis namang pinasok ni Gabriel sa bulsa ng pajama nito ang hawak na cell phone. "Ngayon mo sabihin na hindi mo ginusto ang nangyari sa inyo ni Cassadee!" may himig ng inis sa tinig niya. Naiinis siyang isipin na talagang may nararamdaman pa ito para sa ex-fiancée nito. "Love, mali ang pagkakaintindi mo—" "May padukot-dukot ka pang nalalaman!" Sinubukan niyang tumalikod ngunit mabilis siyang napigilan ni Gabriel sa banyo. "Carmina, will you listen to me? Hindi iyon si Cassadee! It was Gabby!" "Ewan ko sa iyo! Bitiwan mo ako!" Sinubukan niyang bawiin ang braso na hawak nito nang mahigpit