Chapter Forty-four

2386 Words

"PINATAY mo ang ama ko!" Tuluyang tumayo at lumapit sa kinaroroonan nila sina Zacharias at Liandro. Tuwid na nanatili si Liandro sa tabi ni Julius habang hawak ang baril sa kamay nito. Si Zacharias naman ay nanatili sa tabi niya. "Ano'ng pinagsasabi mo?" untag ni Zacharias nang balingan nito ng atensiyon si Julius. Nakakaloko itong ngumiti. "Bakit? Hindi alam ng mga kaibigan mo kung gaano ka kademonyo?" Tumawa ito na parang nasisiraan ng bait. "Akala mo, hindi ko malalamang ikaw ang dahilan, kaya namatay si Papa. Ikaw... ikaw ang sumira sa break ng kotse niya!" Mabilis na kumabog ang puso niya sa narinig. Waring hindi siya makahinga nang isang alaala ang pumasok sa isip niya. "G. Arellano, iyon ang nakalagay sa nameplate na natagpuan ng guwardiya sa pinagparkihan ng kotse ni Ceasar! P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD