"Mga putangina ninyo! Mga wala kayong silbi! Iisang babae lang hindi niyo pa matagpuan!" nanggagaliting hiyaw ko sa limang bodyguard ko na nakayuko ang mga ulo at takot na tumingin sa gawi ko. Nang ibalita nila sa akin ito ay sobra akong nanlumo at galit na galit na nagsisigaw pagkatapos. Tig-isang suntok sa sikmura ang pinatikim ko sa kanila nang bigo na naman silang umuwi pagkatapos nilang halughugin ang buong bayan upang mahanap si Charmel. Lahat ng pwedeng puntahan ni Charmel ay inutos kong halughugin nila. Pero sa malas, hindi nila natagpuan ang aking mahal. "B-Boss, mukhang nakalayo na po si Ms. Charmel. Ginawa naman po namin ang makakaya namin pero hindi po talaga namin siya mahanap," lakas-loob na sagot ng isa habang nakangiwing sapo ang sikmura. "Then try harder! Wala naman ka