HABANG nakatitig si Yolly sa repleksyon niya sa salamin ay napahimas siya sa kanyang pisngi. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang ipinagtapat ng nanay niya sa kanya, na nasaktan din pala ito ng kanyang tatay. Hindi niya iyon inakala dahil since birth ay parang wala siyang matandaan na sobrang away ng kanyang ina at ama. Iyon lang, 'yung pagtatalak ng nanay niya noon sa tatay niya kapag umuuwing lasing ang kanyang tatay. Lahat naman 'ata ng asawang babae gano'n. Normal na 'yon. Pero 'yung saktan ng mister si misis iyon ang hindi normal ng pisikal, ibang usapan na iyon... para sa kanya. "Sa labis-labis kong pagkabungangera noon ay doon ako nasaktan ng tatay mo. Halos isumpa ko rin siya noon, Anak, pero na-realize ko, kasalanan ko rin naman kaya nasaktan ako ng