PART 37

1709 Words

"NAY, nasaan ang mga anak ko?!" pagwawala ni Yolly nang napansin niya ang mga anak at pati si Andy ay wala sa bahay nila. Galing siya sa kuwarto ng triplets at papunta naman siya sa kuwarto ng nanay niya. Kanina pagdating niya ay napansin niya agad na wala sa garahe ang kotse ng asawa at agad siyang kinutuban nang hindi maganda. "Anak, huminahon ka lang.." Bumobuntot-buntot sa kanya si Aling Yolanda at Yaya Doring. Aburido ang mukha ng dalawang ginang. Kakamot-kamot ang mga ito ng batok nila at napapangiwi. "Nasa'n nga ang mga anak ko, Nay?! Yaya Doring?!" Mas lumakas ang boses niya nang 'di niya makita ang mga anak sa kuwarto ng ina. "Huminahon ka muna kasi! Pa'no namin maipapaliwanag sa 'yo ang nangyari kong 'di ka magtigil sa paghahanap mo?!" Nilakasan din ni Aling Yolanda ang boses.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD